INIUTOS ng Supreme Court (SC) third division kay dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Lisandro Abadia na ibalik sa pamahalaan ang P11.26 milyon na hindi maipaliwanag na yaman.
Ito’y makaraang pag-tibayin ng Korte Suprema ang unang desisyon ng Sandiganbayan na nag-dedeklarang guilty kay Abadia sa pagtataglay ng mga ari-ariang higit sa kayang kitain habang siya ay nanunungkulan sa gobyerno.
Ang sinasabing ill-gotten wealth ni Abadia ay kinita ng opisyal noong siya ay nasa panunungkulan sa militar.
Nagsilbi ang retiradong heneral sa AFP sa loob ng 36 na taon.
(BETH JULIAN)