CHRISTMAS is fast approaching. Sa ganitong panahon, asahan na para na namang palengke ang eksenang bubulaga sa ating mga paliparan.
Just observe for yourself if tama o mali ang iningunguso sa atin ng ilang pasahero nito lamang nakalipas na mga araw.
Nasaksihan ito ng kapwa bagong dating na kaibigan/pasahero mula Singapore. Ang ating tipster na naglitanya ng kanyang patotoo ay patungong Pasay City. Nang marinig ang point of destination nito na ‘danggit’ halos walang pumapansin na taxi.
Pero ang kasamahang pasahero ng ating impormante, nang malaman na patungong Pampanga ay nanlaki kaagad ang mata ng mga transport solicitor. Imbes ibato sa next in line na unit ay ini-award agad doon sa ‘kakosa’ nilang driver na ‘naghahatag’ sa kanila. Sa yellow cab ‘yan ha.
Doon naman sa rent-a-car ay para namang mga asong ulol na walang bakuna ang hitsura ng mga solicitor.
Kapag kalalabas lamang ng mga bagong dating na mga pasahero, turista man o balikbayan o Pinoy workers ay welcome back o kaya naman ay welcome to the Philippines ang nakangiting pagbati.
Mainit na pagsalubong ang kanilang ginagawa at boladas rakatak ang mauulinigan makuha lamang ang kanilang nais na makuha at kung wala pang tiket patungong lalawigan ng newly arrived na pasahero ay meron din sila.
‘Yun nga lang kung sa mga kagawad ng rent-a-car ka kukuha ng plane ticket, kahit na anong airlines, may patong na P5K kundi man P4K.
Kaya kawawa ang mga kababayan natin na lantarang nabibiktima ng ganitong uri ng panloloko sa airport.
Perang pinaghirapan sa abroad, sa mandurugas lamang sa NAIA mapupunta!
Sonabagan!!!
Ito ang dapat silipin ng mga awtoridad sa airport.
Aksyon!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com