Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mommy D sinisingil ng P10-M ng BIR

BINATIKOS ng ina ni Manny Pacquiao na si Mrs. Dionesia Pacquiao ang BIR dahil sa aniya’y panggigipit sa kanyang anak at maging siya ay hinahabol na rin.

Ibinulgar ni Mommy D na sinulatan din siya ng BIR at pinagbabayad dahil sa kinita niya sa TV commercial at pelikula.

Kwento ng tinagurang “Pacmom,” minsan ay may nagtungo sa kanilang bahay na kawani ng BIR ngunit ipinagtabuyan niya.

Sa kanyang pagkakaalam, nasa P10 million ang sinisingil sa kanya na mas malaki pa sa kanyang kinita.

Inamin ni Mommy Dionesia na sa ginawang pelikula niya kasama ang beteranang actress at comedy queen na si Ai Ai delas Alas ay umaabot sa P600,000 ang kanyang talent fee ngunit ang kanyang natanggap ay P400,000 na lamang dahil sa siningil na buwis ng BIR.

Sa ngayon, tatlong taon na aniyang wala siyang commercial at shooting sa pelikula kaya wala siyang kita ngunit bakit hinahabol pa rin siya ng BIR.

Dagdag ni Mommy D, mula sa dugo at pawis ni Manny ang kanyang kinita ay kung bakit ginigipit pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …