Friday , November 22 2024

Mighty target ng BIR at BoC ( Guilty sa US court )

112813_FRONT

TARGET ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng Bureau of Customs (BOC) ang Mighty Tobacco Corporation kung sangkot sa smuggling at posibleng tax evasion matapos mapatunayang guilty sa kasong “acts of unfair competition” na isinampa laban sa kompanya sa Estados Unidos.

Pinagbasehan din ng pag-iimbestiga laban sa Mighty ang multang US$21 milyon o P 918 milyon na ipinataw ng korte laban sa kompanya.

Ang desisyon ay base na rin sa reklamo ng ilang negosyante sa  tatlong estado sa Amerika partikular sa California, Oregon at Oklahoma.

Sa lumabas na ulat, agad kumilos si Department of Finance (DOF) Secretary Cesar Purisima at kanyang pinaiimbestigahan sa BIR at BoC ang Mighty, isang local cigarette company sa bansa na nakabase sa lalawigan ng Bulacan.

Sentro ng imbestigasyon ng BIR kung may nilabag ang Mighty sa revenue laws para papanagutin sa kasong tax evasion. Habang ang sinisilip ng BOC ay technical smuggling lalo na’t ang produkto ng Mighty sa nabanggit na estado ay idineklarang ‘contraband’ na isa sa naging dahilan para hingin ng mga opisyal sa Amerika na agad nang iimplementa ang kaparusahan laban sa Mighty.

Bukod dito, ipinag-utos na rin ang pagkompiska sa mga produkto ng Mighty na ibinebenta sa California, Oregon and Oklahoma.

Napaulat, batay sa rekord ng korte, ang Mighty at ang ‘kasabwat’ ay may  milyong dolyar na pagkaka-utang sa tatlong estado na kinabibilangan ng “judgments, penalties, fees at post-judgment interests.”

Kaugnay nito, isa pang nag-udyok kay Sec. Purisima para ipag-utos sa BIR at BOC ang  malalimang imbestigasyon laban sa Mighty ay makaraang makatanggap ng mga reklamo laban sa Mighty mula sa ilang local industry. Ang reklamo ay katulad din ng naging reklamo laban sa Mighty sa Amerika, ang unfair competition.

Sa memorandum ni Purisima sa BIR at BOC, partikular na iimbestigahan sa Mighty ay kung bakit nakapagbebenta ang Mighty ng P4.47 per pack na mas mababa pa sa breakeven price kabilang ang cost of materials, VAT at excise tax para sa tobacco products tax levied on its cigarettes.

“How can the company sustain selling at a loss?” pagdududa ni Purisima.

Kaugnay nito, pinaniniwalaan at pinaiimbestigahan  din ni Purisima na posibleng may discrepancy sa deklarasyon ng Mighty kaugnay sa mga inilalabas nilang produkto sa pagawaan na pagbabasehan para sa excise tax.

Inaalam ng ahensya ang ulat ng independent AC Nielsen na ang Mighty ay nakapagbenta ng 614 million packs para sa unang anim na buwan ng 2013 pero ang iniulat ng Mighty sa BIR ay 244 million packs na lumalabas na ang undeclared solved packs ay umaabot sa P370 milyon na may excise tax na umaabot din sa P4.9 bilyon.

Apart from these twin investigations, the House Ways and Means Committee is also set to conduct its own probe in aid of legislation to plug possible loopholes in the sin tax law which Mighty may be exploiting to evade paying the correct taxes.

“Is the company offsetting losses from selling below product cost through the gains from such undeclared removals?” tanong ni Purisima.

(AD)

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *