Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hog’s Breath vs NLEX

ISANG winning streak ang magpapatuloy at isa ang mapapatid sa sagupaan ng Hog’s Breath Cafe at NLEX sa 2013-14 PBA D-League Asirants Cup mamayang 2 pm sa Blue Eagles Gym sa Quezon City.

Sa mga ibang laro ay magkikita ang Jumbo Plastic at Wang’s Basketball Couriers sa ganap na 10 am at magtutuos ang Arellano U/Air 21 kontra Derulo Accelero sa ganap na 12 ng tanghali.

Ang Hog’s Breath Cafe, na galing sa impresibong 3-6 panalo kontra Cebuana Lhuillier noong Martes, ay may 4-0 record at nasa likod ng nangungunang Big Chill (6-0).

Ang NLEX, na nagsimula lamang na kumampanya sa torneo noong nakaraang linggo, ay may 3-0 karta.

Kung titignang maigi ay parang rematch ito ng nakaraang Finals ng NCAA kung saan tinalo ng San Beda ang Letran.

Ang NLEX ay binubuo ng core ng Red Lions at hawak ni coach Teodorico Fernandez III. Kabilang sa mainstays ng Road Warriors sina Olaide Adeogun, Rome dela Rosa, Art dela Cruz at Kyle Pascual.

Ang Hog’s Breath Cafe naman ay hawak ni coach Caloy Garcia at pinamumunuan ng mga Letran Knights na sina Kevin Racal, Jonathan Belorio, Ford Ruaya at Jamal Gabawan.

Mataas ang kumpiyanya ng Wang’s matapos na masilat nito ang Cagayan Valley, 76-74 noong Lunes para sa 2-3 record.

Kaya naman hindi puwedeng biruin ng Jumbo Plastic ang Couriers. Umaasa si coach Stevenson Tiu na lalong pag-iibayuhin ng Giants ang kanilang intensity. Ang Jumbo Plastic ay may 4-1 record.

Ang Arellano/Air 21, na hawak ni coach Jojo Villapando, ay may iisang panalo sa limang laro. Sa kabilang dako’y hindi pa nakakatikim ng p analo ang Derulo Acceleo sa anim na laro.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …