NARITO ang aming mga nasilip sa pista ng Metro Turf. DIEGUITO – nakuha sa tiyaga ni Onat Torres. CYLLENE – laging palaban, sana ay matapat sa 1,000 meters na distansiya. GRACIOUS HOST – tila medyo inalalayan lang ang nagawang pagpatakbo sa kanya, kaya tiyak na may nakahanda sa susunod na pagsali.
HAKUNA MATATA – hindi maganda ang naging salida. SOMETHING NEW – mahusay talaga sa gabi o malamig na panahon. SUPER ELEGANT – medyo nagkaroon ng lakas sa ayre iyong mga nasa unahan, kaya hindi na gaano nakaporma pa. JET GOLDEN – maganda ang nagawang diskarte ni Bornok Borbe Jr. SO ENDEARING – tila ayaw niya ng maagang ginagalawan siya, kaya nawala sa eksena pagdating sa meta.
MIKE’S TREASURE – nakatiyempo na rin ng matagal na niyang inaasam na panalo. UNICA CHAMP – tila mas gusto niyang sakay si jockey Sonny Go Vacal. GIO CONTI at READY TO RUMBLE– magandang pamasko ito para sa atin, kaya paglaanan. FORT BELLE – kahit nanalo ay maraming BKs pa rin ang nag-react na tila mestizo ang pagkalagpas.
KOGARAH LASS – mahusay kay Mark Alvarez. WALK THE TALK – tila tinesting lang. INGETERO – kapag natapat sa 1,200 o 1,400 meters na distansiya ay iuna na sa listahan. CATALEYA – iba ang itinakbo sa kamay ni Mark kumpara kay Jesse Guce. FIREWORKS – nakapagpaputok na ng isang panalo at kaya pang sundan.
Fred Magno