SA ensayo ng Los Angeles Lakers, naka-shorts at sweatshirt si Kobe Bryant at nababanaag sa kanya na handa na siyang bumalik sa laro anumang oras.
Pagkatapos pumirma ng two-year contract extension ni fourth-leading scoring sa historya ng NBA na si Bryant, sinabi nitong hindi na niya mahintay pa na makapaglaro muli at tulungan ang Lakers na manalo sa mga laban.
‘’The Lakers came up with the structure – a system and a plan they thought was a win-win for everybody involved. From my perspective, it was very easy to accept it,’’ saad ni 5-time NBA champions Bryant.
Hindi pa nakalalaro si Bryant ngayong 2013-14 NBA season dahil nagpapagaling pa ito sa natamong injury noong April.
Sa tatlong road games trip ng Lakers ay hindi pa maglalaro ang 2008 MVP Bryant subalit sa Disyembre 6 ay malaki ang posibilidad na makapaglaro na ito kontra Sacramento Kings.
‘’Those three days when we get back are going to be huge,’’ ani Bryant. ‘’I need some more practices to measure it and test it.’’
Nakakuha si Bryant ng bagong kontrata sa halagang $48.5 million.
Nagpasalamat naman si Bryant sa Los Angeles dahil kinuha pa rin siya kahit galing siya sa mahabang bakasyon.
‘’It makes me want to run through a wall for them,’’ sabi ni Bryant. ‘’It kind of adds more fuel to the fire to be able to prove to everybody that they’ve got it right – and everybody else is wrong.’’
(ARABELA PRINCESS DAWA)