Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Biazon nagpamalas ng pangil

KAMAKAILAN nagpamalas ng pangil si Commissioner Biazon nang kanyang bawian ng power or authority ang mga deputy commissioner at port/district collector na magre-reassign at magde-designate ng personnel.

Ito ay matapos balewalain na ang CMO (customs memorandum order) na ipinalabas pa noong 2007 sa panahon ni GMA. Aba’y biglang nahalungkat ni Biazon at ito ay kanyang binura sa pamamagitan din ng isang CMO na kanyang ipinalabas kamakailan.

S’yempre nagulantang ang mga taga-Bureau sapagkat sila ay appointees or mga bata ni Finance Secretary na pawang mga professional na nagbulat sa isang training Office sa Finance. Sila ay mga project managers at uupo sila bilang district collector na hindi biro-birong trabaho.

May tampo raw si Biazon sapagkat inilalagay ang karamihan sa kanila o lahatin na natin (may 27 yatang mga opisyales) na hindi na ipinaalam sa kanya. Sa wikang Ingles, the officials were rammed down his throat by Sec Purisima. Di ba’t napabalita na hindi nagkakaayos sina Secretary at Commissioner? Baka raw may politics dito.

Ngayon, ukol naman sa coup de grace na ginagawa ni Biazon, kanyang tinanggalan ng power ang mga deputy commissioner at mga collector para mag-designate or mag-reassign ng kanilang mga tauhan na anim na taon nang umiiral sa bureau.

Kasi raw, naging garapalan ang pagpapalabas kahit ng mga outport collector (provincial) ng memo order na nagtatalaga ng mga bata nila na hindi na kailangan paaprubahan sa commissioner. Ito kasi ay ini-delegate o ipinahiram noong 2007 CMO sa nasabing opisyales.

Kaya ngayon, bago sila magtalaga ng tao, kailangan isumite muna kay Biazon. Marahil dadalhin na kay Purisima for his endorsement. Ito ay isang indication na hindi maganda ang relation ng dalawang mataas na opisyales.

Wala pa kaming nasasagap na reaction mula sa kampo ni Secretary Purisima. Naniniwala si Mr. Biazon na dahil bagito ang mga collector niya babagal ang processing ng mga dokumento dahil todo-ingat ang mga bagitong collector. Baka nga mga pumapalpak delikado. Tiyak na aangal ang mga port user.

Kunsabagay ang isang magandang idinulot ng maramihan pagsibak sa matataas na opisyales at dinala sa Finance na wala halos trabaho. Nabawasan ng maraming problem officials sina Purisima at Biazon.

Ang kantiyawan tuloy kung hindi pa sa “Napoles pork barrel” scam hindi pa marahil mahihinto ang mga pesteng politiko sa panggugulo sa assignment ng mga opisyal.

Arnold Atadero

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ruru Madrid

Ruru ‘di man best year ang 2025 maituturing namang meaningful

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG 2026 ay puno ng pasasalamat at pag-asa sa bagong taon …

Jacqui Cara DJ Jhai Ho Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho ‘di big deal matawag na sir o ma’am: Iginagalang ka pa rin naman

RATED Rni Rommel Gonzales CONTROVERSIAL issue ngayon ang pagtawag ng “Ma’am” at “Sir” sa mga …

Dustin Yu Bianca De Vera Kinakabahan Lily

Dustin may inamin sa kanila ni Bianca

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Dustin Yu, tinanong siya kung sino ang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel hinulaang magkaka-baby at ikakasal ngayong 2026

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING tatay na ba si Daniel Padilla kahit wala pa siyang asawa? …

John Fontanilla Oriña Family Reunion

Reunion ng Fontanilla at Oriña Family matagumpay 

MATABILni John Fontanilla MASAYA at punompuno ng buhay ang naganap na family reunion ng Fontanilla & Oriña last December …