Thursday , January 9 2025

Arum sa BIR: ‘Wag gipitin si Pacquiao

HINIMOK ng Top Rank Promotions ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng Filipinas na sa Internal Revenue Services (IRS) ng Estados Unidos humiling ng kopya ng sertipikasyon sa pagbabayad ng buwis ni Manny Pacquiao sa kanyang mga laban noong 2008 at 2009.

Pinayuhan pa ni Bob Arum, CEO ng Top Rank na siyang humahawak sa mga laban ni Pacquiao, ang BIR na atasan ang Philippine Embassy sa US para kumuha ng tax certiification sa IRS.

Sinabi ni Arum na huwag sisihin ng BIR si Pacquiao dahil walang magagawa ang boksingero para pilitin ang IRS na agad mag-isyu ng katibayan sa binayarang buwis sa Federal government.

Ayon kay Arum, hindi sila nagkulang sa pagbabayad ng buwis sa bawat laban ni Pacquiao at matagal na rin silang nag-request ng tax receipt.

Kasabay nito, inihayag ni Bob Arum na ‘unfair’ ang aniya’y panggigipit ng BIR kay Pacman na isang model citizen, nagdadala ng karangalan sa bansa at laging tumutulong sa mga nangangailangang kababayan lalo sa panahon ng kalamidad.

Una nang nagsumite ng dokumento ang Top Rank bilang patunay sa binayarang buwis ni Pacquiao ngunit hindi ito kinikilala ng BIR at ang gusto nila ay ang kopya mula sa IRS.

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *