Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ala-Janet Napoles sa Manila City hall nabunyag

NABUNYAG na hindi lang sa Department of Justice (DOJ) at sa dalawang kapulungan ng Kongreso mayroong ala-Janet Napoles Lim kung hindi maging sa Manila City hall na sinabing may nangyayaring anomalya sa pag-apruba ng budget.

Nabatid  sa reklamo ng ilang concerned citizen na may nangyayaring iregularidad sa session hall sa nasabing lungsod nang  naipasa ang isang mahalagang usapin na may kinalaman sa malaking pondo ng isang barangay.

Ayon sa nagrereklamong si Louidivina Combinido, ng Bgy. 747, Zone 81 District V, Maynila, malaki ang dapat na ipaliwanag ng mga konsehal ng lungsod kung bakit nakalusot ang isang usapin sa kabila ng hindi pa ito naibibigay sa secretary to the Sangguniang Panglunsod.

Inirereklamo niya ang umano’y mala-Napoles na nangyari hinggil sa pag-apruba ng Sangguniang Panglungsod sa hiling na pondo na hinihihingi ng umano’y maimpluwensyang politiko.

Tinukoy nito ang isang Bgy. Chairwoman Rogelia Pablo na umano’y nasa likod ng paghahabol sa pondo ng barangay mula taon 2012 hanggang 2013 na nagkakahalaga ng P1.8 milyon sa kabila ng ilang araw na lamang ang nalalabi bago ang turnover sa mga bagong opisyal ng barangay sa Nobyembre 30.

Ngunti laking gulat na lamang niya  nang magawang maisalang agad sa sesyon ng Konseho noong nakalipas na Nobyembre 14 at naipasa pa agad  kahit wala sa agenda.

Inamin din ng isang mataas na opisyal ng lungsod na nagulat siya sa nasabing pangyayari matapos aprubahan ng walong konsehal ng lungsod sa kabila ng kawalan ng sapat na dokumento kung saan ito gagamitin.

Idinagdag pa sa reklamo na nagawa rin lumahok sa bidding para sa isang proyekto ng naturang barangay sa kabila na may kinakaharap na suspensyon na inihatol ng Ombudsman.

“Interestingly, inquiry made with the Bureau of Treasury revealed that Punong barangay Pablo was able to renew her bond on September 26, 2013, effective 1 year thereafter. The problem is, she was effectively suspended from the office during the time when she was able to renew her bond by virtue of the above-stated decisions of the Office of the Ombudsman.”                            (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …