Monday , December 23 2024

5 major races ilalarga sa PHILTOBO Grand Championship

UMAATIKABONG  karera ang magaganap sa Disyembre 15 sa gaganaping Philtobo Grand Championship races sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Tampok ang limang malalaking pakarera ng Philtobo na kinabibilangan ng Juvenile Championship race, Juvenile Fillies Championship race, Classic Stakes race,  3 Year Old Fillies Stakes race at 3 year Colts Stakes race.

Tumataginting na mahigit na P6- milyon ang nakalaang papremyo para sa malaking pakarera ng samahan ng mga horse owners sa bansa— ang Philtobo para sa kanilang taunang  pakarera.

Naglaan ng P3-milyon ang Philtobo para sa Juvenile Champioship na tatawid sa distansiyang 1,600 meters, habang P1-milyon sa Juvenile Fillies,  kalahati sa Classic championship at tig P400,000 para sa 3 year old Fillies at Colts Stakes races.

Inaasahan na magiging matagumpay ang naturang pakarera dahil higit na malalaking papremyong ang kanilang inilaan kumpara sa pakarerang ginawa ng Marho noong Nobyembre 24 sa nasabing karerahan.

Samantala matutunghayan na sa darating na Linggo ang malaking pakarera ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang Presidential Gold Cup sa kabilang karerahan ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Umaabot naman sa P5-milyon ang inilaang papremyo ng PCSO sa kanilang pakarera na lalahukan ng pinakamagagaling na mananakbong lokal na pangarerang kabayo sa bansa.

Kabilang sa mga kalahok ang super horse na si Hagdang Bato ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, Pugad Lawin, Sulong Pinoy, Divine Eagle, Royal Jewels, My Champ Spring Collection, Boss Jaden at Arriba Amor.

Nakalaan ang P3- milyon premyo para sa tatanghaling kampeon sa 41th Presidential Gold Cup.

Ni andy yabot

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *