Friday , November 15 2024

The real charity begins in the heart

00 Bulabugin JSY

ANG pinag-uugatan daw ng tunay na kabutihan at pagtulong sa kapwa ay nagmumula sa puso …

At naniniwala tayo na ‘yan ang ULTIMONG LAYUNIN ng TZU CHI Foundation.

Nitong nakaraang mga araw bumilib talaga tayo sa mga kababayan natin, sa loob at labas ng bansa, gayondin sa iba’t ibang organisasyon na tumulong sa mga kababayan  natin na sinalanta ng super bagyong si Yolanda sa Leyte, Samar, Iloilo at Capiz.

Talaga namang bumuhos ang lahat ng uri ng suporta … pera, pagkain, tubig, damit, kumot, gamot  at s’yempre importante sa lahat ay ang suportang moral.

Medyo naantala nga lang ang pagdating sa mga biktima dahil nga maraming kalsada ang naharangan ng mga debris kaya hindi agad nakapasok ang mga sasakyan.

Hindi rin gaanong nakapagpalawak ng network ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan lalo na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development  (DSWD) para agad matukoy ang mga lugar na nasalanta lalo na ‘yung mga remote areas.

Sa totoo lang, maraming kababayan ang nagtampo dahil mas bumuhos daw ang tulong sa Tacloban at tila nalimutan ang mga baryo na sinalanta ng bagyo pero hindi inabot ng tulong gobyerno.

Kaya naman maraming natuwa sa Tzu Chi Foundation nang isulong nila ang programang CASH-FOR-WORK program.

Sa pamamagitan ng programang ito, tinutulungan ng Tzu Chi ang mga biktima at ang kanilang komunidad na makaahon sa pinagdaanang kalamidad.

Lilinisin nila ang kanilang sariling komunidad at pagkatapos ng maghapong trabaho ay bibigyan sila ng P500 allowance.

Natuwa rin ang Tzu Chi sa masiglang pagtugon ng mga biktima sa kanilang programa. Sa unang araw ay umabot sa 610 katao ang lumahok; sa ikalawa ay 2,680 katao; at sa ikatlong araw ay umabot sa 6,580 katao.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng allowance sa mga biktimang lumahok sa CASH-FOR-WORK, magkakaroon sila ng pambili ng kanilang pangangailangan, kaya ibig sabihin t’yak na IIKOT ang KOMERSIYO at EKONOMIYA hanggang unti-unting makabangon ang mga nasalanta.

Ibig sabihin, naramdaman ng tao ang tunay na pagkalinga ng Tzu Chi sa mga nasalanta.

Kapag nalinis na ang kanilang komunidad, tutulong din ang Tzu Chi sa pagtatayo ng kanilang bahay, mga paaralan at iba pang estrukturang kakailanganin.

Kaya lalo tayong napabilib sa Tzu Chi.

Ganyan ang charity work nila. Hindi nila iiwan ang isang lugar nang hindi ganap na nakababangon.

Thank you Tzu Chi Foundation!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *