Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Taguig dapat bantayan ng COA

DOUBLE effort dapat ang Commission on Audit (COA) sa pagbabantay sa Lungsod ng Taguig lalo’t napapabalitang may plano umanong tumakbo sa mas mataas na posisyon itong si Sen. Allan Cayetano.

Sa hindi pa nakakaalam, ang misis ni Allan Cayetano na si Lani ang kasalukuyang alkalde ng Taguig, na kung saan mayroon itong budget ngayong 2013 na mahigit P5 bilyon.

Dahil sa laki ng budget na nabanggit,  nahahanay na sa Big 5 ang Taguig sa may pinakamalalaking pondo sa mga lungsod ng Metro Manila.

Ang laki ng pondong ito ngayon ang dahilan kung bakit gustong pabantayan ng mamamayan ng Taguig sa COA dahil posible raw itong magamit sa darating na eleksyon pang-nasyunal.

Sa maikling salita, pwede raw itong maging main source ng mga Cayetano kapag tumuloy sa 2016 lalo pa’t idineklara na ng Supreme Court na ilegal ang PDAP.

Ang pagkawala ng PDAP o pork barrel ang lalo pang nagpatingkad sa isyu ng paghihinala dahil wala naman daw malaking negosyo ang mga Cayetano na pwede nitong ipangalandakan na dito galing ang perang posible nilang gamitin sa 2016.

Mga seryosong bagay na dapat ikonsidera ng COA at mamboboto dahil sawang-sawa na ang lahat sa trapo.

Magugunitang nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga Cayetano at Binay dahil natalo ang Taguig sa kaso hinggil sa pagmamay-ari ng Fort Bonifacio na kung saan malaking porsiyento ng budget sa balwarte ng mga Cayetano ay nanggaling.

Ilang ulit na ring kinuwestyon ng mga Tinga at mga kapanalig nito sa konseho ang panggigipit ng Cayetano sa kanila matapos liitan ng husto ang kanilang MOOE.

Binatikos rin ng mga konsehal na ka-grupo ni Tinga ang hindi patas na pagtingin ng mga Cayetano sa pagbibigay ng tulong o budget sa mga konsehal dahil madalas umanong nakaka-angat sa partehan ang kanilang mga kapanalig gayung ito ang ikinagalit ni asawa ni Mayor  Lani kay Enrile matapos silang apihin sa partehan ng budget o savings ng Senado.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …