Pinagkokonsentrahan na nga ni Pres. Ninoy Aquino III ang pagrereporma ng Bureau of Customs at nitong nagdaang araw nga e isang militar naman ang kaniyang itinalaga sa naturang ahensiya para makatuwang sa pagsugpo ng malalang smuggling sa bansa.
Ang bagong itinalaga ay si Major Ariel Nepomuceno na dating executive ng Department of National Defense ( DND ) ang ng National Disaster Risk Reduction Coordinating Council (NDRRMC); kung saan, ang naturang opisyal ay graduate ng Philippine Military Academy noong 1987 at isang Magna Cum Laude graduate din sa University of the Philippines.
Sa pagkakatalaga ni Nepomuceno ay kaniyang naipahayag na malaking hamon para sa kaniyang propesyon ang pagkakatalaga sa BOC na ipinanawagan nito sa lahat ng BOC personnel na magsamasama para sa pagreporma hindi lamang sa kanilang personalidad kundi sa buong organisasyon na maging epektibo at maalis na ang burokraysa mula sa graft and corruption ang ahensiya; kung saan aniya, kinakailangang sumuporta ang lahat ng mga personnel sa pangasiwaan ni Commissioner Ruffy Biazon.
***
Hindi na iniintindi ng Philippine National Police ang direktibangOne Strike Policy ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas dahil hindi na nila ito pinangingilagan pa at sa halip e pinalarga na ang mga gambling operator para sa kanilang mgajueteng operation … kasi magpapasko na raw at kailangan na ng pagkakaperahan para may ipamimigay sa sandamakmak na mga inaanak mula sa binyag hanggang sa mga kasal ang mga kapulisan natin.
Ipinangangalandakan ng mga gambling lord at mga operator na ang go signal ay galing mismo kay PNP Chief Gen. Allan Purisima… ows, totoo po ba ito Gen. Purisima at inabisuhan mo pa raw na huwag alalahanin at balewalain ng mga gambling lord ang anumang sasabihin ni SILG Mar Roxas?
Sec. Roxas, Gen. Purisima at Gen. Garbo Jr… eto ang mga gambling lord na isinasangkalan ang inyong mga pangalan sa kanilang operasyon kaya hindi sinasalakay ng mga police station at baka sila pa ang mapagdiskitahan ng mga police district director.
Ang jueteng lord na si Tony “Bulok” Santos na kopong-kopo ang TENGWE sa CAMANAVA.Ang reyna ng sakla na si LUCY na namamayagpag rin sa Camanava.
Nagkakagulo na nga raw dahil sa bukulan dahil hindi naman naihahatid ang mga dapat na parating para sa mga piling personalidad sa Caloocan City Hall at sa Quezon City Hallganundin sa police department ng naturang 2 city hall… at may mga payola/bukol din daw sa mga piling MEDIA?
Eto pa ang mga namamayagpag din sa larangan ng ilegal gambling… sina Tepang, Pining, Baby, Lito Motor, Pinong, Don Ramon, Ver Bikol sa Quezon City, Nestor sa Novaliches atMando kalbo sa UP .., Cris at Rose naman sa Pasig City.
Sa Maynila largado rin si BOY ‘simbulan’ ABANG at EDNA/PAKNOY sakanilang bookies/lotteng/jueteng.
Syempre pa, ang kolektor raw na naitalaga para sa kapulisan ng NCRPO e si alyas “Arn-arn Zandoval”
Paging SILG Roxas, sa paglalarga ng mga jueteng at 1602operations e senyales na binabalasubas na kayo ng mga kapulisan na dapat e pagmamartilyuhin mo ang mga operatiba para maisulong ang Tuwid na Daan ni Pres. Ninoy Aquino III!
Makinig sa DWAD 1098 khz “ Target on air’ tuwing Martes at sabado 11 am -12 pm mag txt sa 0919 – 6612 – 670 / 0916 – 7578 – 424 sa sumbong o reklamo o mag email sa [email protected]
Rex Cayanong