Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Petron vs San Mig

SOLO first place ang puntirya ng Petron Blaze sa pagkikta nila ng SanMig Coffee sa  PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamayang 8 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Magtutunggali naman sa ganap na 5:45 ang Air 21 at Meralco.

Sa kasalukuyan ay kasalo ng Boosters sa itaas ng standings ang Barangay Ginebra at Barako Bull  matapos na magwagi kontra  Global Port (97-87) at Talk N Text (77-63).

Ang SanMig Coffee ay nakalasap naman ng magkasunod na kabiguan buhat sa Gin Kings (86-69) at Alaska Milk (84-80)..

Kapwa nagkukulang ng mga manlalaro ang Boosters at Mixers bunga ng injuries. Hindi nakapaglalaro sa Petron sina Alex Cabagnot, Chico Lanete at Yousef Taha samantalang hindi nakakasama ng Mixers sina Peter June Simon at Joe de Vance.

Binabalikat ng Most Valuable Player na si Arwind Santos ang katungkulan sa Petron, Nakakatulong niya  sina JuneMar Fajardo, Chris Lutz, Marcio Lassiter at Chris Ross.

Nami-miss naman  ng Mixers sina Peter June Simon at Joe deVance. Ang kawalang ito ay naging sanhi ng pagkatalo ng Mixers sa Gin Kings (86-69) at Alaska Milk (84-80).

Ang SanMig Coffee ay pinamumunuan nina  James Yap, Marc Pingris at rookie Ian Sangalang na second pick sa nakaraang Draft.

Ang Air 21, na ngayo’y pinangungunahan ni Paul Asi Taulava, ay natalo sa Barako Bull (88-75) at Global Port (114-100) samantalang ang Meralco ay yumuko sa Talk N Text (89-80) at Rain Or Shine (94-89).

Nakakatulong ni Taulava sina Nino Canaleta, Joseph Yeo at Bonbon Custodio. Si Mark Cardona, na nakuha buhat sa Meralco bago nag-umpisa ang season, ay hindi pa nakapaglalaro bunga rin ng injury.

Ang Meralco ay isa sa dalawang koponang hindi nagpapirma ng rookie at umaasa sa mga beterano. Ang Bolts ay sumasandig ngayon sa scoring champion na si Gary David na nakuha buhat sa Global Port.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …