NGAYON Kapaskuhan, abala na naman ang mga economic saboteur na smugglers sa Bureau of Customs (BoC) dahil sadya yatang ang Pasko at ang smuggling ay intertwined o hindi mapaghihiwalay.
Sa ganitong panahon dagsa ang sangkatutak na imported pero pawang mga pekeng produkto galing China na dinudumog sa maerkado ng marami dahil sa mababang presyo kahit ang importasyon sa bansa ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas.
Ang accessories, toys at iba pang produkto galing China ang malimit puntiryahin ng grupong Eco Waste Coalition tuwing Kapaskuhan dahil sa nakalalasong kemikal na taglay n ito, tulad ng lead o tingga na panganib sa kalusugan ng tao.
Para sa mga punyetang smuggler at mga tiwaling empleyado at opisyal ng Customs na kasabwat nila, ang smuggling ay bahagi na ng kanilang ‘banal’ na tradisyon upang laging masaya ang Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon ng kanilang pamilya.
MR. R. ANG, SMUGGLER
FOR ALL SEASONS
PERO kung smuggling ng mga pekeng produkto galing China ang pag-uusapan, marami ang maluluma kay MR. R. ANG, ang kilalang henyo sa Customs na nagpapalusot ng mga kargamento sa papamagitan ng MISDECLARATION.
Hindi lamang tuwing buwan ng Nobyembre at Disyembre ang panahon ng Kapaskuhan para sa kanya, kundi araw-araw ay Pasko kay Mr. Ang kaya naman tinagurian siyang SMUGGLER FOR ALL SEASONS sa Customs.
Pawang general merchandise ang deklarasyon ng mga palusot na kontrabando ni Mr. R. Ang, at ilan sa mga gamit niyang kompanya bilang consignees sa smuggling ng mga pekeng produkto ay ang: NORTHWINGS ENTERPRISES; KINGSPHERE; LAMSAN; MARPED; MOROKO; RENZ; MATTHEW; at MANILA SAFETY.
Sandali, ito bang si Mr. R. Ang at si Mr. D. Chua ang ‘nakasama’ noon ni Senator Antonio ‘Sonny’ Trillanes sa pagbiyahe sa China?
Tama ba ako pale-pale?
“ALENG TINA PIDAL”
NA RESIN SMUGGLER
TULAD ni Mr. ANG, mala-Vilma Santos na smuggler for all seasons din ang aleng si TINAYU PIDAL, ang umimbudo sa smuggling ng plastic resin sa kasalukuyang administrasyon.
Si Aleng Tina ang dating broker ng magkapatid na Vicky at Tom Toh na malapit kay dating FG Mike Arroyo noong nakalipas na administrasyon.
Balita natin, isang dating mambabatas na Kamag-anak Inc., ni PNoy ang umano’y padrinong gamit na pamato ni Aleng Tina ngayon sa kanyang smuggling kaya untouchable ang kanyang plastic resin smuggling sa mga opisyal ng Customs sa Port of Manila (POM) at Manila International Container Port (MICP).
Noong panahon ni dating Pang. Gloria Macapagal Arroyo, si Aleng Tina ang umano’y laging chaperon na gumagasta tuwing bumibiyahe ang maybahay ni Mikey Arroyo sa Hong Kong para mag-shopping.
Ngayon, ipinagyayabang ni Aleng Tina na siya raw ang gumagasta sa pagbiyahe at pagpapagamot ng isang presidential relative sa Europa.
Isa sa mga broker/consignee na ginagamit ni Tina sa plastic resin smuggling ay GENELS TRADING CORP. at si P. PINEDA.
Para sa reklamo, suhestiyon at komentaryo tumawag o mag text sa 09158227400 / Email: [email protected]
Percy Lapid