ARESTADO sa mga awtoridad kahapon ang “most wanted fugitive” ng South Korea, na nagtatago sa Filipinas, ayon sa ulat ng Bureau of Immigration.
Kinilala ang naarestong pugante na si Cho Yang Eun, 63, nadakip sa Angeles, Pampanga, ayon kay BI spokesperson Maan Pedro.
Nagpalabas ang Seoul Central District Court ng arrest warrant laban sa Korean national kaugnay sa kasong fraud, at ang kanyang passport ay kinansela noong Marso 30, 2012.
Itinuring ng Korean Embassy sa Maynila si Cho bilang “high-profile head” ng Korean mafia, at responsable sa pagbabanta sa kanyang kapwa Koreans.
Naaresto ang suspek makaraan ang walong buwan matapos makatakas palabas ng Filipinas sa pamamagitan ng pagdaan sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2, ang blacklisted Korean national na si Park Sung Jun.
Si Park ay nahaharap sa criminal charges sa South Korea kaugnay sa $25-million investment scam. (HNT)