Apat na araw na lamang ang nalalabi at magaganap na ang pinakahihintay na malaking pakarera ng taon— ang multi milyong pakarera ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang 41th Presidential Gold Cup sa bakuran nng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa darating na Linggo.
Walong mananakbong local ang magtatangka para durugin ang super horse na si Hagdang Bato na magdedepensa ng kanyang titulo na una niyang pinagwagian noong 2012.
Sa distansiyang 2,000 meters tatangkain nina Arriba Amor, Basic Instinct, Pugad Lawin, Sulong Pinoy, My Champ, Spring Collection, at Royal Jewel na agawin ang titulo.
Marami ang naniniwala sa mga tagahanga ni Hagdang Bato ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, na mananalo pa rin ang super horse.
Ganito rin ang pananaw ng ilang eksperto na hindi magiging problema para kay Hagdang Bato ang 58 kg. sa naturang laban.
Gayunman, hindi dapat maging kampante ang Abalos stable dahil may angking bilis din naman ang mga kalaban.
Ilan ditto na ikinukunsederang mahigpit na kalaban ang de remating si My Champs at ibang pang kalahok na tago ang pruweba.
Hindi maitatanggi ng marami na ang 58 kilos ay isa nang malaking partida sa mga kalaban ni Hagdang Bato na tatawid sa mahabang karera para sungkitin ang P3-milyon papremyo ng PCSO.
Ni andy yabot