Friday , November 22 2024

Garnishment harassment — PacMan ( Hindi galing sa PDAF, DAP )

112713_FRONT

“HINDI ako makapag-withdraw ni isang singkong sentimo sa sarili ko pong pera, hindi ko magamit para man lang makatulong. Ang pera kong ginarnish ng BIR ay hindi po nakaw at hindi po PDAF o DAP, ito po ay galing sa lahat ng suntok, bugbog, pawis at dugo na tiniis ko sa boxing.”

Ito ang himutok ni boxing idol at Sarangani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao kaugnay sa ipinalabas na freeze order ng Court of Tax Appeals (CTA) laban sa kanyang bank assets, sa kinakaharap na P2.2 billion tax case.

Inisyu ng tax court’s First Division ang freeze order dalawang linggo na ang nakararaan ngunit nabatid lamang kamakalawa makaraan ang panalo ni Pacquiao laban kay Brandon Rios nitong Linggo sa Macau, China.

Nauna rito, nagprotesta ang mga abogado ng boxing icon, sa CTA kaugnay sa ipinalabas na warrant of garnishment (WG) ng Bureau of Internal Revenue (BIR), naka-attach ang personal assets ni Pacquiao kabilang ang kanyang bank deposits.

Karaniwang nagpapalabas ang BIR ng WG upang mapigilan ang delinquent taxpayers na nahaharap sa court suits, sa pag-dispose sa kanyang assets habang nililitis.

Nag-ugat ang kaso mula sa sinasabing pagkabigo ng accountant ni Pacquiao na i-report sa kanyang income tax returns (ITR) ang multi-million-dollar taxes na kinolekta ng US Internal Revenue Service (IRS) mula sa premyo ng kanyang mga laban mula 2008 hanggang 2009.

Ayon kay Pacquiao, ang assessment, kabilang ang interest at surcharges, ay “arbitrary,” dahil hindi niya kayang bayaran ang assessment na mas malaki pa sa kanyang net worth.

Gayunpaman, sinabi ng BIR lawyers, ang tax debts ay naging “demandable, executor, and collectible” dahil hindi tinugon ng mambabatas ang final assessment notice (FAN) na ipinadala sa kanya, na nagpaso makaraan ang 30 araw matapos matanggap ito, alinsunod sa Tax Code.

Ipinaliwanag naman ng revenue officials, si Pacquiao, bilang Filipino citizen, ay dapat ideklara sa kanyang ITR ang lahat ng kanyang mga kita kabilang ang mula sa ibang bansa.

Ayon sa records, ang boxing icon ay kumita ng US$28 million bilang prize money sa matagumpay na pagdepensa sa kanyang iba’t ibang titulo laban kina Juan Manuel Marquez, David Rios, Oscar de la Hoya noong 2008, at Ricky Hatton at Miguel Cotto noong 2009.

Ang halagang nakolekta ng US-IRS ay umaabot sa $8.4 million o katumbas na P395 million.

Deklara naman ni Pacquiao, hindi niya isinama ang remittances sa US-IRS sa kanyang ITR dahil sa umiiral na bilateral tax treaty agreement ng Manila at Washington, nakasaad na ang income tax na binayaran ng Filipino sa US ay creditable sa kanyang income tax liabilities sa Filipinas.

Idinagdag niyang ang ini-remit niya sa BIR ay value added tax (VAT) na nagkahalaga ng P12 million mula sa P114 million na kanyang kinita mula sa endorsement ng 14 products.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Bulacan Police PNP

Pulis sugatan sa ops, pagkilala inirekomenda  ni Gob. Fernando

KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang isang police officer na lubhang nasugatan sa isang police operation …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *