ANONG feng shui money tree ang mainam bilang feng shui money cure?
Maaaring gumamit ng ano mang malusog at masiglang madahong halaman bilang money tree, dahil ang kahulugan ng simbolong ito ay enerhiya.
Ang enerhiya ng feng shui money tree ay masigla at matibay na enerhiya; lumalagong enerhiya na nais mong mag-reflect sa iyong sariling pera.
Narito ang diskripsyon ng karaniwang ginagamit na feng shui money tree.
*Crassula Ovata. Kilala bilang jade tree, ito ay makatas na halaman na dapat alagaan.
*Pachica Aquatica. Ito ay isang tipo ng bonsai tree na maaaring lumaki pa. Kabilang sa mga katangian nito ang braided trunks at multi-foliage leaves.
*Feng shui product. Ang kadalasang ginagamit sa traditional feng shui applications ay ang punongkahoy na literal na “namumunga” ng pera. Maaaring bumili ng money feng shui cure na ito sa China town area.
Lady Choi