Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barako ‘di bibitawan si Maierhofer

PINABULAANAN ng kampo ng Barako Bull na planong pakawalan ang power forward na si Rico Maierhofer.

Ito ang klinaro ng team manager ng Energy Colas na si Raffy Casyao bilang reaksyon sa mga ulat na itatapon umano si Maierhofer sa Globalport habang mapupunta ang rookie na si Justin Chua sa Petron at makakakuha ang Energy Colas ng isang first round draft pick sa susunod na taon.

Dating manlalaro si Maierhofer ng koponan ni Mikee Romero sa PBL na Harbour Centre habang hindi pa ginagamit si Chua ngayong PBA MyDSL Philippine Cup.

“That’s not true. No negotiations going on. We are happy with our team right now,” wika ni Casyao. “Rico M will blend perfectly with our team which consists mostly of tried and tested players. It was our agenda before the season started and right now the result is positive for us.”

Sa ngayon ay nasa reserve list si Maierhofer sa Barako dahil sa sobrang daming mga manlalaro sa lineup ni coach Bong Ramos.           (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …