Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

60-anyos lolo tinurbo sariling apo

LOPEZ, Quezon – Napariwara ang puri ng isang 14-anyos dalagita makaraang halayin ng kanyang sariling lolo sa Brgy. Poblacion ng bayang ito.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Nilda, habang ang suspek ay kinilalang si alyas Rafael, 60-anyos, kapwa ng nasabing lugar.

Sa ipinadalang report ng Lopez PNP sa Camp Guillermo Nakar sa tanggapan ni Senior Supt. Ronaldo Genaro, Ylagan Quezon PNP Provincial Director, naganap ang insidente dakong 12 p.m. habang wala ang mga magulang ng biktima at ang lolo lamang ang kanyang kasama sa kanilang bahay.

Matapos magluto ng pananghalian ay tinungo ng biktima ang kanyang lolo sa kwarto para tawaging kumain ngunit bigla siyang hinatak at hinalay ang dalagita.

Nang makaraos ang suspek ay nagbanta sa biktima na huwag sasabihin sa kanyang ina ang nangyari kundi sila ay kapwa papatayin,

Hindi agad ipinagtapat ni Nilda sa kanyang ina ang insidente ngunit naulit ang panghahalay kaya napilitan ang dalagitang ipagtapat sa ina ang pangyayari,

Kahapon ay pormal nang kinasuhan ng mag-ina ang suspek ng kasong panggagahasa sa himpilan ng pulisya.

(RAFFY SARNATE)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …