Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Sugal-lupa’ lang pero mansion ang ipinatatayo sa anak ni Donya Teysi

00 Bulabugin JSY

PANAY ang hataw ng ng mga operator ng SUGAL-LUPA sa San Pablo City at Ibaan at Lipa City sa Batangas.

Ayon sa ating mga impormante, umaarangkada nang husto ang mga pasugalang color game, roleta, drop ball at beto-beto ni Perya Queen Donya TEYSI ROSALES matatagpuan sa Ibaan at Lipa City sa Batangas.

Habang sa San Pablo City ay ilang dekada nang namamayagpag ang puesto pijo ni Donya Teysi.

Sa katunayan, sa kasalukuyan ay nakapagpatayo na ng mansion ang kanyang mga anak sa San Pablo City. (Take note: BIR)

Pero hindi nagsosolo si Donya Teysie sa pagkakamal ng kwarta mula sa sugal-lupa.

Nandiyan din si YOLLY SOLO sa bayan ng Malvar at BABY PANGANIBAN sa palengke malapit sa JOLIBEE ng Tanauan, Batangas.

Kung inaakala po ninyong ‘maliit’ lang ‘yang SUGAL-LUPA ‘e pakasuriin ninyong ulit.

Alam n’yo bang ang mga nabibiktima at nadadaya ng mga sugal-lupa na ‘yan ‘e ‘yung mga kababayan natin na kakarampot ang kita lalo na ‘yung mga walang trabaho?!

Pati ‘yung mga barya-baryang kusing ng mga bata ay nadadale rin ng mga sugal-lupa na ‘yan!

Aba, Batangas PD, S/Supt. ROSAURO VENTURA ACIO, mukhang minamaliit mo ang SUGAL-LUPA na ang mga nabibiktima ay ‘yung mga kababayan nating barya-barya lang ang kinikita.

O baka naman, maaga rin ang ‘PASKO’ sa mga pulis ng Batangas dahil sa mga sugal-lupa  na ‘yan.

E hindi na tayo nagtataka kung bakit namamayagpag ang sugal-lupa nina  DONYA TEYSI, YOLLY SOLO at BABY PANGANIBAN d’yan sa Batangas at San Pablo City.

BUTAS NG BOOKIES SA MAYNILA MAY ‘SHABUHAN’ DIN?!

BILIB tayo sa ginawang raid ng National Bureau of Investigation (NBI) d’yan sa isang building sa Sampaloc, Maynila.

Ang unang ‘TIP’ na natanggap nila ay SHABUHAN daw. Pero nang pasukin nila ang nasabing BUILDING, natuklasan nila na may ‘BOOKIES’ pala sa nasabing building.

Lumalabas na hindi lang BOOKIES ang pinagkakakitaan ng mga operator at nag-VENTURE na rin sila sa ‘taryahan ‘ at ‘tirahan’ ng SHABU.

Tsk tsk tsk …

Nasaan na ‘yung ‘MAAKSYONG’ OPERATIBA mo, MASA head Major Bernabe Irinco, Jr.?!

Puruhan mo ang mga ‘BUTAS’ ng BOOKIES lalo na sa Tondo nina BOY ABANG at EDNA/PAKNOY nang makita naman ng mga MANILEÑO na may ginagawang  AKSYON para sa Maynila ang GRUPONG WARAY!

‘Yan naman ‘e kung wala kayong inaABANGan sa mga operator ng BOOKIES na ‘yan.

Huwag naman puro AKSYON para sa BULSA!?

Ay sus!

BAGONG BANGKA NG 1602 SA PASAY CITY NAG-TAKEOVER NA

PINUTOL na raw ng mga bagong BANGKA sa Pasay City ang mga dating operator ng 1602.

Kumbaga, pinatalsik na siya ng mga BANGKANG sina alyas ERIK, BONG, JOSE at CHRISTIAN.

Ang pinakahuling balita, ay nakopo na rin ni REYES (casino financier), ITMO at VENDEVEL ang 1602 sa Pasay City.

Mukhang hindi natutuwa ang KAMAGANAK Inc. sa mga dating 1602 operator, kaya hayun pinatalsik at pinalitan na sila ng ibang bangka.

Sabi na sa iyo, Pasay PNP OIC S/Sr. MITCH FILART, huwag kang kukurap d’yan sa Pasay City dahil t’yak na t’yak, sasakit ang ulo mo!

O baka naman nag-CASHyusan na kayo diyan?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …