MISTULANG ginawang ‘mummy ’ ang hinihinalang biktima ng summary execution makaraang balutin ng duck tape ang ulo, nakatali ng alambre ang mga kamay at paa, sa sinabitan ng karatula na, “Ang rapist at hol-daper h’wag pamarisan sa Mandaluyong City.”
Ayon kay P02 Donald Bañez, dakong 4:20 ng madaling araw nang matagpuan ng ilang residente ang bangkay ng biktima na naka-duck tape ang buong katawan, may tama ng bala sa ulo at nakatali ang alambre sa leeg at kamay na nakahandusay sa highway hills sa lungsod.
Nakasuot ang bangkay ng puting t-shirt at maong na shorts at walang ano mang pagkaka-kilanlan
Inilagak ang labi sa isang funeral parlor sa Mandaluyong habang nag-iimbestigasyon ang mga awtoridad.
(ED MORENO)