TINIYAK ni Senate President Franklin Drilon ang tinatayang P55.4 billion na ilalaan para sa long-term rehabilitation ng Yolanda-hit areas, na ang bahagi ay magmumula sa hindi nagamit na Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Sinabi ni Drilon, sumang-ayon ang dalawang kapulungan ng Kongreso na ipasa ang P14.6 billion supplemental budget, na magmumula sa pork barrel na idineklarang unconstitutional ng Supreme Court kamakailan.
Aniya, nag-isyu na ang Bureau of the Treasury ng sertipikasyon para sa supplemental budget na ito.
Ang iba pang bahagi panukalang P55.4 billion rehabilitation fund ay magmumula unobligated funds” ng 2013 national budget.
Sinabi ni Drilon, inihahanda na ang joint resolution para palawigin ng isa pang fiscal year ang validity ng calamity-related funds sa kasalukuyang budget na umaabot sa P20.8 billion na mananatiling “unobligated” sa pagtatapos ng taon.
(CYNTHIA MARTIN)