Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Minahan sa Rapu-Rapu sumabog ( 2 patay, 2 kritikal )

112613_FRONT

LEGAZPI CITY – Dalawa ang naitalang patay habang dalawa pa ang kritikal sa pagsabog sa isang minahan sa Brgy. Bagawbawan sa islang bayan ng Rapu-rapu, Albay.

Kinilala ang mga biktimang sina Antonio Grageda at Jerson Dela Cruz, 33, agad na binawian ng buhay sa insidente.

Kritikal naman ang dalawang iba pa sa ospital na kinilalang sina Boyon Moises, 43, at Christian Santillan, 31, mula sa Isla Batan.

Ayon kay Senior Insp. Arthur Gomez, tagapagsalita ng Police Regional Office V, naging pahirapan ang pagsagip sa mga minero maging ang pagpapaabot ng impormasyon dahil sa kawalan ng signal sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang malakas na pagsabog lamang ang narinig mula sa mining site na matagal na rin na binabalik-balikan ng mga residente.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may naiwan pang mga minero sa loob ng minahan na maaaring mameligro pa sa posibleng pagguho ng lupa bunsod ng pagsabog.

ni JETHRO SINOCRUZ

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …