Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bata ni Binay ‘nabasag-kotse’ sa Global City

ISANG tauhan ni Vice President Jejomar Binay ang nabiktima ng basag-kotse gang sa pinaglalabanang Bonifacio Global City, sa Taguig City kamakalawa ng gabi.

Sa reklamo ng biktimang si Capt. Tino Maslan, ipinarada niya ang kanyang asul na Ford Everest (SHB-960) sa parking area ng McDepot, Global City, pero nalusutan ng mga kawatan ang mga security guard dakong 6:40 ng umaga.

Sa pagsisiyasat nina PO3 Ricky Ramos at PO2 Primitivo Delayon, Jr., ng Investigation and Detective Management Section (IDMS), tinabihan ng mga suspek na may dalang sasakyan ang sports utility vehicle ng opisyal saka binasag ang salamin at kinuha  ang cal. 40 Glock.

Hindi pa batid ang halaga ng salapi, mamahaling cellphone, mga ID at iba pang dokumento.

Ayon sa pulisya, walang closed circuit television (CCTV) camera sa parking area.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …