Sunday , December 22 2024

Seguridad sa pagkain sa PH dapat tiyakin

DAPAT maghanap ang mga Filipino nang higit na maaasahang agri-business ventures sa harap ng napipintong krisis sa pagkain sa mundo bunsod ng tumataas na presyo ng pagkain, ayon sa noted Filipino economist.

Ang dahilan nito ay ang global climate change na nagdulot nang malawak na pinsala sa mga bansa.

Sinabi ni Gonzalo Catan, Jr., executive ng MAPECON Green Charcoal Philippines Inc.,  ang Filipinas, bilang natural agricultural economy, ay dapat maging handa sa ano mang posibleng idudulot ng climate change.

Isinisisi ng mga Filipino ang pinsalang dulot ng bagyo sa masamang panahon. Idagdag pa rito ang hindi magandang polisiya ng gobyerno na lalong nagpalala sa kapalaran ng mga magsasaka. Ang masamang panahon ay itinuturing na Heaven-made. Ang hindi magandang pamamalakad na ito ng gobyerno ay humahantong sa pagtangkilik sa higit pang foreign agri-products, partikular na ang bigas.

Ang nasabing mga dahilan, ayon kay Catan, ang nagtataboy sa mga magsasaka palayo sa mga sakahan.

“ Worse, it discourage children who instead of pursuing courses in agriculture, are being overtaken by desire to take other courses that will land them white collar jobs or overseas work.  This has resulted in big drop in enrollment in agri-schools,” pahayag ni Catan.

Bunsod ng sitwasyong ito, kailangan ng gobyerno na magpatupad ng mga patakaran na magpapabalik sa mga magsasaka sa mga bukid.

Dagdag ni Catan, ang pinakamahalaga ay dapat na hindi maging bias ang gobyerno sa agrikultura at sikaping ipagmalaki ng mga masasaka na sila ang nagpapakain sa mga tao.

Kung wala aniya ang mga magsasaka, na unti-unti nang nawawalan ng pag-asa at dignidad, ang bansa ay hahantong sa matinding pagbagsak ng ekonomiya.

“It’s a pity, we have vast tracks of agriculture lands but lay unproductive,” ayon kay Catan, idinagdag na “it’s about time the government put agriculture at the very center of development before it’s too late.”

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *