Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Organized confusion

ANO ba talaga ang nangyayari sa Bureau of Customs sa kasalukuyan. Si Secretary Purisima ang sumibak sa mga matataas na mga pinuno ng ahensiya-limang deputy commissioner, may higit nang 30 district/port collectors, pitong mga division chief at maging mga director. Therefore, siya ang bida dito.

Pero ayaw magpasapaw si Commissioner Biazon na may mandato sa ilalim tariff ang Customs code na siyang bumalasa, mag-assign ng mga tao liban na lang sa mga deputy commissioner director at mga collector VI opisyales. Pero sila ay kailangan may endorse ni Purisima bago magkabisa ang reshuffle na gawin ni Biazon.

Noong may nakaraan  ilang buwan may mga inapoint si Biazon na acting o officer in charge na mga collector. Pero sila napalitan na nang inilagay ni Purisima. Halimbawa sa Port of Manila may bagitong inilagay si secretary, gayon din sa MICP na dating hawak ng kapatid ni Speaker Sonny Belmonte.

Pero nang dahil sa “Napoles pork barrel” scam biglang natakot ang mga

Pakiusapan ang hepe ng Bureau o ni Purisima ukol sa kanilang mga (politician that is ) palabigasan na mga district collector.

Akala ng mga litong lito na mga opisyales lalo iyong mga hepe ng division muli na namang nabigla sa inilabas na CMO ni Biazon may petsang Nov.14. Ang CMO na ay binabawi na ang delegated authority sa mga deputy commissioner at mga port/district collector na pawang mga appointee na ni Purisima dahil sa nagaganap na malawakang reporma sa ahensya.

Sa pagbawi o pagrevoke ng delegated authority na ibinigay noong 2007mga depcom at nga port/district na ginawa ni Biazon kuno dapat daw may mga bagong rule at regulation guidelines sa pag designate at pag reassign ng mga opisyales na  iginawad sa mga depcom at mga kolektor six years ago, last week biglang natalian ang mga kamay nila.

Iton pagrevoke ng authority to designate and reassign personnel last week muling nagdulot ng agam agam ang nahihilong mga personnel.

Ang nangyayari ngayon may “organized confusion”. Halimbawa iyong Return to Mother Unit  (RMU) na kaakibat ng revocation ng designation orders hindi pa naipapatupad hanggang sa ngayon. Ito ay nakasaad sa Executive Order 134 na inisyu ni Pnoy noong bandang Oktubre. Pero malabnaw ang pagpapatupad. Marami pang mga naapoint  si Biazon at mga kolektor niya na violate ang batas ni Pnoy EO134 syempre hindi matutuwa si Purisima.

Ngayon naman dito sa week old na Biazon memo na kung saan kanyang inigil ang mga depcom at mga koleltor na magdesignate at magreassign nakaramdam na muli ang salpukan Purisima-Biazon . May batayan si Biazon sa ilalim ng Tariff code. Kanya lang nirevoke iyong CMO noong 2007 (GMA watch) na nagpahintulot sa mga depcom at mga kolektor na magdesignate at magreassign.

Ang problema dito, itong mga nasagasaan pawna mga appointee ni Purisima. Abangan…

Arnold Atadero

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …