Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Norzagaray budget officer utas sa tandem

AGAD nalagutan ng hininga ang lady budget officer ng Norzagaray Municipal government sa Bulacan, makaraang pagbabarilin sa harap ng simbahan ng isa sa dalawang lalaking sakay ng motorsiklo, habang pababa ng kanyang sasakyan upang magsimba kahapon ng umaga

Ang biktimang tinamaan ng apat na bala sa dibdib ay kinilalang si Yolanda Ervas, 55, may-asawa, at residente rin sa bayang ito.

Ayon sa inisyal na ulat ng Norzagaray PNP, pasado 6:30 a.m. kahapon nang lapitan ng isang armadong lalaking naka-helmet ang biktima at bigla na lamang pinagbabaril at pagkaraan ay mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.

Ayon sa ilang mga saksi, ilang oras bago pinaslang ang biktima ay nakita nila ang dalawang lalaki na nakatayo malapit sa pintuan ng Saint Andrews Parish Church na parang may hinihintay hanggang mangyari ang krimen.

(DAISY MEDINA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …