Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mabuhay NBI 77th Anniversary

NAPAKATIBAY ang pagsasamahan ng NBI dahil sa ginawa nilang ika 77th anniversary na ang tema ay “NBI kakampi mo, katarungan at katotohanan hatid sa inyo” at naging inspirasyon nila ang mensahe ni DOJ Secretary Leila De Lima at kanyang sinabi na kailangan ipakita sa sambayanan na seryoso silang lahat na gampanan ang tinatawag na Nobility, Bravery, and Integrity.

At sinabi niya sa mga opisyales at rank and file na maibalik at mahuli nila ang mga sangkot sa high profile cases sa pangunguna ni Col. Cesar Mancao, Reyes Brothers at Gen. Palparan at ang kapatid ni Janet Napoles na ngayon ay nagtatago pa rin sa batas.

Hindi naman kaila na number 1 investigative arm of the government ang NBI.

Mabuhay kayo and Happy Anniversary!

Go! Go! Go!NBI.

***

Talagang hindi na matatawaran itong NBI at sinalakay ng mga operatiba ng Reaction Arrest and Interdiction Division (RAID) at NBI Anti Illegal Drug Task Force sa Sampalaok Manila ang mga shabu na nagkakahalaga ng milyon piso at nakalagay sa mga plastic bag at naka sachet at drug paraphernalia.

Pinangunahan ni Executive Officer head agent Atty. Erick Isidro at nakakumpiska sila ng labing isang high powered na mga baril at mga deplatong baby armalite at kanilang inimbitahan ang nagngangalang Rosario Agulto at Elovy Agulto at wala silang maipakitang permit to carry na pag-aari ng hinihinalang  dalawang  opisyal ng pulis at isang nagngangalang Jeffrey concepcion.

Si Rosario agulto ay asawa ni Jeffrey concepcion at hinaluglog ang nasabing tirahan nila.

Sa ngayon hinihintay pa ng mga operatiba ng NBI ang report sa forensic chemistry division ng NBI tungkol sa mga nasabing droga at ang PNP Fire Arms explosive office kung may mga lisensiya ang mga high powered na baril.

Pinapapurian natin si Atty. Ross Jonathan Galicia hepe ng RAID at si head agent Atty. Erick Isidro at ang buong RAID sa pamumuno ni Deputy Director for investigation Atty. Ruel Lasala.

Mabuhay kayong lahat sa NBI!

***

Itong linggong ito ay taos pusong nag-alay ang aming President eng ALAM na si Boss Jerry Yap at iba pang mga mamahayag at nag-alay ng bulaklak, kandila at panalangi sa ginungunitang anniversayo ng Maguindanao Massacre sa mga ala-ala ng mga kasama natin mamamayahayag na napaslang sa Ampatuan Massacre.

Humihingi ng katarungan at patuloy na pinaglalaban ni Jerry Yap ang mga biktima.

Ayon sa kanya katarungan ang hinihingi niya.

Mabuhay ka boss Jerry!

God bless us all!

Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …