Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasambahay grabe sa boga ng selosong manliligaw

KRITIKAL ang kalagayan ng isang kasambahay matapos  barilin ng sinabing nagselos na  manlililigaw  habang naglalakad kasama ang inakalang boyfriend ng una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi .

Patuloy na inoobserbahan sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Sara Jane Mabunga, nasa hustong gulang, residente  ng Norzagaray, Bulacan sanhi ng isang tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa tiyan.

Pinaghahanap ng pulisya ang nakatakas na suspek na kinilalang ‘selosong manliligaw’ ng biktima na si Rogelio Balbin, 42-anyos, ng Saint Joseph St., Brgy. 187, Tala Estate.

Sa ulat ni P/ Supt. Ferdinand del Rosario, naganap ang insidente dakong 10:00 ng gabi  malapit sa nasabing barangay.

Kasama umano ng biktima ang isang ‘Henson Agustin’ habang naglalakad sa nasabing lugar nang salubungin ng suspek saka biglang binaril si Mabunga.

Nabatid na matagal nang nanliligaw si Balbin kay Mabunga pero hindi siya pinapansin hanggang makita na may kasamang ibang lalaki na ipinagselos ng suspek hanggang nauwi sa pamamaril. (rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …