KAKAIBA raw ang gimik d’yan sa bagong K-ONE KTV & RESTO sa kanto ng Sto. Cristo at San Fernando streets, Binondo.
Nagtataka lang tayo kung bakit parang ang ‘DULAS-DULAS’ lang ng mga ‘GIMIK’ d’yan.
All out gimik sa bebot …
Mamimili lang kung ano ang type ninyo. Pinay, Tsinay o Tsina.
Name it and of course name their price naman ang mga bebot.
Maraming club na ang ni-raid ng NBI-ATHRAD, pero itong K-ONE ay nakalulusot sa gimik nilang mga Chinese prostitutes.
Magaling rin naman ang style ng K-ONE Club, kunwari ay mga costumers lang ang mga Chinese prosti na nakikipag-karaoke lang sa mga mayayaman nilang Chinese costumers pero maya-maya ay take-home na.
Talaga bang namamayagpag ang mga ganitong KTV club/bar at fun houses ngayon sa Maynila?
Manila MASA chief Major Irinco, pakisagot lang po!
DODGIE LACIERDA KOLEK-TONG NG CALABARZON
ISANG alyas DODGIE LACIERDA raw ang nagpapakilalang kolek-TONG d’yan sa CALABARZON.
Siya raw ay inatasan ng ‘BAGMAN’ ni LAGUNA PD S/Supt. Pascual Muñoz, Batangas PD S/Supt. Jereh Fidel, at Region 4-A RD C/Supt. Gatchalian.
At ang nagpapakilalang ‘BAGMAN’ ay isang REYES.
Kaya naman pursigido raw si kolek-TONG DODGIE LACIERDA sa pangongolek-TONG sa mga ilegalista gaya ng 1602, club at paihi.
Ang una nga raw target na kolek-TONG-an ni Lacierda ‘e ang mga teng-we lords at kanilang operators sa Region 4-A.
Tsk tsk tsk …
Laguna PD S/Supt. Pascual Muñoz, Batangas PD S/Supt. Jereh Fidel, at Region 4-A RD C/Supt. Gatchalian, sino ba ‘yang REYES na sinusunod ng isang alyas DODGIE LACIERDA?!
Taong-sarado n’yo ba ‘yan?
O golpe-sarado kayo dahil sa mga ‘BUKOL’ ninyo?
Hehehe …
TALAMAK NA NAKAWAN NG MOTORSIKLO LUMALALA SA MAYNILA (PAGING-PNP-NCRPO)
ISA sa mga issue na ibinabato ni Yorme Erap Estrada noong panahon ng kampanya ay MATAAS ang bilang ng CARNAPPING at nakawan ng MOTORSIKLO sa Maynila.
‘E Mr. Plunderer ‘este’ Erap, ano itong nangyayari ngayon sa mahal naming Lungsod ng Maynila na kaliwa’t kanan na naman ang NAKAWAN ng mga sasakyan lalo na ang MOTORSIKLO? Isa sa mataas ang insidente ng nakawan ng scooter/motorcycle ay diyan sa District 1 & 2.
Aba sandali lang, hindi ba taga-Tondo ang isang opisyal d’yan sa MPD-ANCAR? Anyare!? May info pa tayo na ilang narerekober at nakokompiskang motorsiklo ay nagagamit pa ng ilang mga tauhan ng MPD o di kaya ay nagiging CHOP-CHOP bigla diyan sa MPD-HQ? Fact-sheet naman talaga!?
Again Mr. Mayor, may nabago ba sa Maynila? Nagtatanong lang po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com