If the Lord delights in a man’s way, he makes his steps firm; though he stumble, he will not fall, for the Lord upholds him with his hand.—Psalm 37: 23-24
MAINIT na pinag-uusapan ngayon sa bawa’t sulok ng barangay sa Lungsod ng Maynila ang binitawang litanya ng sekretarya ng isang politiko sa isang pagpupulong ng mga barangay officials, kamakailan.
Que horror kase ang pahayag ni sekretarya na kapag nakarating sa city hall ay tiyak maagang mawawasak ang political career ng kanyang amo.
***
NGUNI’T gumagawa na ng paraan ang kampo ni sekretarya upang mapigilan ang pagkalat ng balita na tiyak ikasusuya ninaPangulong Erap at anak na si Senador Jinggoy Estrada.
Dahil talaga naman “lagot” sila sa mag-amang Estrada kapag nakarating sa kanila ang masasamang pinagsasabi ni malditang sekretarya ni politiko laban sa kanila.
***
HETO ang kuwento mga kabarangay. Sa isang pagpupulong ng mga barangay officials, naglitanya daw si malditang sekretarya na: “hinog na hinog na amo ko para maging Mayor, dahil ang baho-baho na ng pangalan ng mag-amang Estrada dahil sa (pork barrel) scam!”
Nasabi ito ni sekretarya na hindi niya nalalaman na mayroon palang mga barangay officials na naimbitahan na hindi naman nila kaalyado.
***
KATUNAYAN, nagulat ang isang barangay officials na malapit kay dating Mayor at ngayon ay Party list Representative Lito Atienzasa sinabi ng sekretarya.
Kaya naman biglang bawi daw si sekretarya at nagsabi huwag nang iparating kay Tolits ang kanyang sinabi. (alam naman ng lahat na magkaibigan sina Presidente Erap at Atienza).
***
NAWIKA tuloy ng isang barangay officials sa sekretarya na kung ayaw niyang lumabas ang mga negatibong pinagsasabi niya sa pamilyang Estrada mas mabuti “ sipiran mo ang bibig mo!”
Sa pagkakataon ito, humagulgol ng iyak ang sekretarya at nakiusap na huwag nang palakihin pa ang kanyang sinabi.
***
TO the rescue naman itong si Jesus Payad, ang officer in charge ng Manila Barangay Bureau (MBB) sinabing “satin-satin na lang ito, ‘wag nang ilabas.”
Para mapahinahon ang mga barangay officials na naroroon, inalok ni Payad ang sarili na matulungan ma-i-release agad angsupplemental budget ng mga barangay officials.
Ano ito suhol, Payad?
***
NAPAKASAMA ng tabas ng dila ng sekretarya, dahil hindi pa naman lubusang nahahatulan sa krimen lalo na si Senador Jinggoy ukol sa kinasasangkutan pork barrel scam, may hatol na agad ang sekretarya—guilty si Sen. Jinggoy!
Naku, ‘wag naman sana ganoon, hindi ba may kasabihan na, a person still innocent until proven guilty by the court?
***
HAAY ‘yan na nga ang sinasabi ko, limang buwan pa lamang sa puwesto si Presidente Erap, pero nagnanais na agad na siraan at agawin ang kanyang upuan.
Hindi na tayo magtataka mga Kabarangay, ganitong-ganito ang ginawa nila noon kay Mayor Alfredo Lim.
***
HALOS limang taon inalagaan, ibinigay ang lahat ng kahilingan, pero ang kanyang isinukli pag-tatraydor kay Mayor Lim.
Nagmamadaling makuha ang puwesto, taliwas sa sinabi niyang handa silang maghintay hangga’t gusto ni Mayor Lim na maging Alkalde.
Tanong ko lang Presidente Erap, hindi kaya nag-aalaga ka ng anaconda sa city hall?!
***
MADALI lang naman makikilala ang sekretarya ito, mahilig siyang kumaen sa mga buffet sa Kamayan sa Padre Faura.
Kapangalan din niya ang bantog na unano artista na pumapapel na pinoy James Bond 007 noong huling dekada 80.
Siya si Weng-weng!
“ANG MALING GAWAIN NI TAMA”
HINDI pa rin pala maawat ang raket ng isang pulis-traffic sa mga operasyon ng mga FXs colorum sa Maynila.
May mga FX colorum na tumatambay ngayon sa T.M Kalaw, courtesy of SPO1 Tama.
Naku Tama, mali yan ginagawa mo!
***
YUP, mga kabarangay, tama kayo si Tama ay may patama ng mga FXs colorum na bumibiyahe at pinadaraan sa T.M Kalaw. May tongna kinokolekta si Tama sa mga drivers/operators ng mga colorum.
Kanino proteksyon kaya nakakuha si Tama? Kay MPD Traffic chief Major Olive Sagaysay ba o kay Tongsehal Zarcalin?
Idedetalye natin sa susunod mga Kabarangay!
PANAWAGAN ng isa natin kabarangay, kung sino man ang nakakaalam ng kinaroroonan ni Ms. Evelyn A. Roque, 44-anyos na nawala nitong nakalipas na Linggo. Huling nakita si Evelyn sa area ng Manila City hall na nakasuot ng puting polo shirts, maong pants at rubber shoes.
Kung maari ay ipagbigay alam lamang kay Bobby Roque sa telepono 731-6003 MDSW Dist. III Office at 781-3043 MDSW Dist. IV Office.
Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 0932-3214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes
Chairwoman Ligaya V. Santos