Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2-anyos paslit patay 7-anyos kuya sugatan sa 2 malulupit na tita

PATAY ang isang 2-anyos totoy, habang sugatan ang kanyang 7-anyos kuya sa pagmamaltrato ng dalawa nilang tiyahin Taguig City.

Hindi na umabot nang buhay sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang tinawag sa pangalang  James.

Buhay pero bugbog-sarado ang pitong-taon niyang kuya na itinago sa pangalang Michael, mula sa kamay ng malupit nilang mga tiyahing sina Kristine, 25, at Irene, 48, ng Maharlika Village.

Sa pahayag ng panganay na si James kina POs2 Jenaline Sadang at Sarrah Villarama, ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Taguig police, nagsimula umano ang pagmamalupit ng kanilang mga tiyahin matapos silang akusahang makukulit.

Madalas umano silang kinukurot at hinahampas ng plastic na takip ng drum bago sinasapak at inuuntog sa semento.

Ayon sa panganay, bukod sa pagpalo ng matigas na tsinelas sa kanilang magkapatid, sinasakal at inihahagis pa umano ni Irene si James sa dingding na naging dahilan ng pagsusuka at panghihina nito kaya’t kapwa sila isinugod sa pagamutan pero  namatay si James .

Nalaman ang pagmamaltrato sa magkapatid ng mga tauhan ng Public Order and Safety Office (POSO) na nakatalaga sa naturang pagamutan kaya’t agad nilang pinigil ang dalawang tiyahin ng mga biktima.

Nasa himpilan ng pulisya ang mga suspek na nakatakdang sampahan ng kasong parricide at paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …