Monday , December 23 2024

Makupad pa sa suso ang katarungan para sa mga biktima ng Maguindanao massacre

00 Bulabugin JSY

GUSTO nating pasalamatan si Rep. Jose Christopher Belmonte ng Quezon City.

Pinuna niya at pinaalalahanan ang Aquino government na kailangan mayroong gawin para mapabilis ang prosekusyon laban sa mga akusado sa Maguindanao massacre dahil talaga naman napakakupad ng nagaganap na pagdinig ngayon.

Mula noong  2009, umabot lamang sa 104 sa kabuuang bilang na 195 akusado ang nakakasuhan, kabilang ang walong member ng Ampatuan political clan na inaakusahang UTAK ng karumal-dumal na masaker.

At sa loob umano ng apat na taon, ang kaso na multiple murder laban sa mga akusado ay umiikot pa lang sa petitions for bail, at hindi mabilang na motions at counter motions at kung ano-ano pang taktika na kitang-kitang naglalayong bumagal ang proceedings.

Tatlo sa mahahalagang testigo ang pinaslang, habang ang pamilya ng mga biktima ay pinipilit na makipag-areglo na lamang.

Bago at mula noong maganap ang nasabing masaker  na kumitil sa buhay ng 58 katao na ang 32 at  isa pa ay miyembro ng media, marami pang mamamahayag, lalo na ‘yung mga nasa probinsiya, ang patuloy na pinapatay, inaatake o pinagbabantaan.

Salamat, salamat, Congressman Belmonte!

Sa dami ng mambabatas d’yan sa Mababang  Kapulungan ng Kongreso ‘e bukod tanging ikaw lang ang naglaan ng oras para i-monitor at suriin ang kalagayan ng hindi malutas-lutas na media killings sa bansa.

Noong nabigyan po tayo ng pagkakataon na maging Pangulo ng National Press Club (NPC), hindi po tayo tumigil para mapabilis ang pagresolba sa media killings.

Pormal pa natin hiniling noon kay Justice Secretary Leila De Lima na i-update tayo sa bawat kaso ng media killing.

Nangako naman siya.

Pero, apat na taon na ang nakalilipas ‘e wala pa rin nagyayari. Nganga pa rin!

Ganyan din ang inihaing resolusyon ni Belmonte ngayon, na nag-uutos sa direct executive agencies, hindi lamang para bilisan  ang prosekusyon kundi para utusan ang law enforcement bodies na hulihin pa ang ibang mga suspek at protektahan ang natitira pang witnesses.

Dapat din na ilista ng Department of Justice (DOJ) at law enforcement agencies ang lahat ng media killings at ang status ng bawat kaso, gayondin ang mga aksyon na kinakailangan gawin upang mapabilis ang kaso.

Habang ang Department of Social Welfare and Development ay kinakailang magbigay ng adequate assistance sa pamilya ng mga biktima.

‘Yan po ang mga nasa resolusyon ni Rep. Belmonte.

Wish lang natin na maaprubahan ang resolusyong ito nang sa gayon ay tuluyan nang matuldukan kung hindi man ay mabawasan ang media killings.

At mapabilis ang katarungan para sa mga Maguindanao massacre victims at pamilya nila.

Mabuhay ka Rep. Jose Christopher Belmonte!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *