Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hustisya sa Maguindanao massacre victims malabo pa rin (Pagkatapos ng apat na taon)

PATULOY ang panawagan ng mga pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre na sana’y bigyan sila ng pag-asa para sa hustisya ngayong apat na taon na mula nang mangyari ang malagim na krimen.

Ayon kay Mary Grace Morales, secretary general ng Justice Now Movement, desperado sila na makamit ang hustisya para sa kanilang mga kaanak na walang awang pinatay noong Nobyembre 23, 2009 sa Sitio Masalay, Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao.

Ayon kay Morales, hindi niya masisisi ang iba niyang mga kasamahan na nagsabing tatanggap na lamang ng suhol mula sa itinuturong mga suspek dahil na rin sa kawalan ng pag-asa.

Ngunit sana aniya ay tibayan pa nila ang kanilang loob lalo na at matagal ang proseso ng hustisya sa bansa

Inihayag naman ni Rich Teodoro, ang anak ng namatay na kolumnistang si Andy Teodoro, sana ay magkaroon ng katuparan ang tinuran noon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na bago matapos ang kanyang termino ay mahatulan na ang mga Ampatuan.

Hiniling din ni Teodoro kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourders Sereno na pagbigyan sila sa kanilang hiling na mas mapabilis ang kaso at gayundin ang live coverage ng hearing.

Samantala, una nang sinabi ni Jovelyn Villacastin na nagiging praktikal lamang siya at pinag-iisipan kung tanggapin ang perang nagkakahalaga ng P50 milyon upang tumahimik na lamang.

Sa kanyang panig, handa niyang tanggapin ang pera dahil sa naisampa naman ang kaso laban sa pangunahing mga akusado sa karumal-dumal na masaker.

Si Jovelyn ay nakakatandang kapatid ng isa sa mga pinatay na si Jhoy Duhay ng Gold Star Daily sa Tacurong City.

RESPONSIBLE SA MASAKER PANANAGUTIN — PALASYO

DETERMINADO ang administrasyong Aquino na burahin ang kahiya-hiyang kultura na hindi napapanagot ang mga salarin sa krimen, kaya inutusan ang Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang pagtugis sa 88 pang suspek sa karumal-dumal Maguindanao massacre.

Ito ang pahayag ng Palasyo kaugnay sa paggunita ngayon ng ika-apat na anibersaryo ng Maguindanao massacre na ikinamatay ng 58 katao, kasama ang 33 mamamahayag, na ang pinaniniwalaang utak ay ang mag-aamang Ampatuan.

“We join the Filipino people in affirming our solidarity with the families of those who lost their lives in the Maguindanao massacre on November 23, 2009. We are determined to erase the stigma of the culture of impunity that led to this heinous crime,” sabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary

Herminio Coloma Jr.

Giit pa niya, patuloy na ginagawa ng Department of Justice (DoJ) ang nararapat na prosekusyon ng mga akusado,”  ani Coloma.

Nakikisa rin aniya, ang Malacanang sa pagsusulong ng mga reporma sa institusyon, tulad ng pag-amyenda sa Rules of Court na magpapabilis sa paggawad ng katarungan sa mga biktima.

Makikipagtulungan rin ang Palasyo sa Kongreso upang gawing prayoridad ang pagpasa ng Whistleblower bill at pag-amyenda upang dagdagan ang pangil ng Witness Protection Law.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …