Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

6-anyos pamangkin ‘kinalkal’ saka inutusan mangalakal ng stepbro ni mom (Pinagparausan na pinaghanapbuhay pa)

112313_FRONT

ISANG 6-anyos batang babae ang nakaranas ng pang-aabuso sa stepbrother ng kanyang ina nang sekswal na abusuhin nang paulit-ulit saka pinagpulot ng mga plastic na kalakal para kanilang ipangkain sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Aries Lozano, 32, ng Valdez Compound, Brgy. Paso de Blas, kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 7610 habang nasa detention cell.

Sa ulat ng Women and Children Protection Desk (WCPD), dakong 3:00 pm kamakalawa nang tangayin ng suspek ang kanyang 6-anyos pamangkin na anak ng babaeng kapatid sa ama.

Dinala ng suspek ang biktima sa likod ng isang malaking palengke at doon paulit-ulit na pinagparausan ang murang katawan ng bata.

Pagkatapos pagparausan, pinagpulot ng mga bote at plastic na basura ang biktima upang maka-bili sila ng pagkain na ipinakikilalang anak ng suspek. Nang malaman ng ina ng bata ang pangyayari agad itong ipinagbigay alam sa mga awtoridad na gad naaresto ang manyakis na tiyuhin.

ni rommel sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …