HIRAP na hirap makatagos sa ibaba ang PERMISO ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez na payagan ang mga vendor na makapagtinda sa Redemptorist Road d’yan sa Baclaran, Parañaque City.
S’yempre, para sa diwa ng Kapaskuhan, naiintindihan ni MAYOR ang pangangailangan ng mga vendor. Kaya nga matapos maipaabot sa kanya ang kahilingan ng mga vendor na makapagtinda sa Baclaran ay pumayag na siya.
Ang mga vendor ay binigyan ng special permit ng Office of the Mayor at nagbayad ng halagang P2,000 sa Parañaque Business Permits and Licensing Office (BPLO).
At pagkatapos no’n dapat ay pwede na silang maglatag ng kanilang paninda sa Baclaran.
Pero nadesmaya ang mga VENDOR.
Kasi nang maglatag sila … heto na, may ipinadalang TANOD ang barangay at sila ay hinihingan pa ng barangay permit at sinisingil ng kung ano-ano pa.
Kasunod ng TANOD, inikutan din sila ng mga pulis na nagpapakilalang taga-PCP 1 sila under Chief Insp. ROLLYFER CAPOQUIAN.
Aba, ang linaw sa resibo mula sa BPLO ng Parañaque City na ang ibinayad nilang P2,000 ay para sa Oktubre 27 hanggang Nobyembre 27, 2013, pagkatapos biglang mayroon pang ibang naniningil?!
Barangay Chairman Don Don Cailles, alam mo bang walang pahinga ang pag-iikot ng mga barangay tanod mo sa mga VENDOR NG BACLARAN?!
At hindi lang ‘yan, HILAHOD na rin sila sa mga LESPUNG KOTONG ni MAJOR ROLLYFER CAPOQUIAN.
Gaya n’yan, isang linggo na lang ang natitira sa binayaran nilang special permit sa halagang P2,000, pero mukhang hindi pa sila nakababawi dahil sa mga KOTONG na barangay tanod at lespu ni Capoquian.
Mayor Edwin Alvarez Sir, SAKLOLO!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com