Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P7-M halaga ng bigas, donation ng Port of Cebu sa Yolanda victims

MULING pinatunayan ng Port of Cebu, Bureau of Customs ang malasakit sa mga kababayang nangangailangan nang MAG-DONATE kahapon ng P7-milyon halaga ng nasamsam na bigas para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.

Sa memorandum na may petsang Nov. 21, 2013, inatasan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang bagong district collector ng Port of Cebu na si retired B/Gen. Roberto T. Almadin na ibigay sa mga biktimang nasalanta ng super typhoon Yolanda sa Leyte at Cebu ang 11 container vans na naglalaman ng tinatayang 520 sako bawat container.

Ang nasabing container vans ay NASAKOTE noon pang nakaraang Abril mula sa Korea, ngunit maari pang mapakinabangan lalo sa mga biktima ni Yolanda.

Kasabay nito ay ang isang container van ng UKAY-UKAY para rin sa mga biktima ng nagdaang super typhoon na bumayo sa Leyte at Cebu, at grabeng naapektohan ang mga residente sa Tacloban City at sa northern Cebu.

MALUGOD na tinanggap ni DSWD-Region 7 regional director Mercedita Jabagat ang naturang donasyon sa gitna ng maraming agam-agam sa kredbilidad ng mga sangay ng gobyerno sa distribusyon ng relief goods.

Mistulang BASANG-SISIW si Biazon at nagmadaling umalis sa Cebu International Port matapos ipakita sa media ang mga sako ng bigas para sa mga biktima ng supertyphoon. WALA RIN SINABI NI HA NI HO ang spokesperon na si “Glenda” na dapat sana ay magpaliwanag sa iba pang isyu sa media.

UMIIWAS kaya sila na matanong kung bakit naunang maglabas ng Department Order si Finance Secretary Cesar Purisima sa pagtalaga ng mga bagong district collectors, kabilang na si Gen. Almadin, samantala dapat ay gumawa ng Customs Personnel Order (CPO) si Biazon tungkol dito?

***

Samantala, inihayag ni Atty. Paul S. Alcazaren na nagsilbing OIC District Collector sa Port of Cebu bago hirangin nitong Nob. 8 si Gen. Almadin, na noon pa man nagdaang buwan ng Oktubre ay NALAMPASAN na nila ang P8,694.508 billion annual assigned target collection.

Kahit sa partial collection report ni Cash Division chief Conrado “Radi” Abarintos na isinumite sa Assessment Division OIC chief, Atty. Pipo Yutangco, naitala na as of October ay naipasok na nila sa kaban ng gobyerno ang halagang P8,703.821 billion.

Ayon kay Coll. Alcazaren, surplus pa sila ng P9.313M na may 11 percent above target. Ganoon din sa subport of Mactan Customs under OIC chief, Cornelia B. Wilwayco, nalampasan rin ang annual target collection na P307 million at ang kanilang actual collection as of October ay P339,494,795.91 o halos P340 MILLION!

Mariing binalaan ni District Collector Almadin ang inireklamo sa kanya ng Customs Brokers na merong mga customs personnel na nagbo-BROKER-BROKER at ayon sa bagong hepe ng Cebu Customs ay kailangan na itong matigil alinsunod sa kampanya ng TUWID NA LANDAS laban sa katiwalian.

Junex Doronio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …