SA PATULOY na paglilinis sa mga nalalabi pang tiwaling kawani ng Bureau of Customs (BOC) na nakikipagsabwatan sa smugglers sa pagsabotahe sa ekonomiya ng bansa, nagtalaga na ng bagong deputy commissioner si Pangulong Noynoy Aquino upang maging katuwang ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sa pagreporma sa ahensya.
Itinalaga ni Pangulong Aqunio si Ariel Nepomuceno bilang Customs Deputy Commissioner for Enforcement Group (EG).
Si Nepomuceno na dating Executive Director ng NDRMCC ay nagtapos bilang Magna Cum Laude sa University of the Philippines. Ang bagong Deputy Commissioner na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1987 ang pinakahuling appointee ng Pangulo para tumulong sa pagbabago ng Aduana partikular na ang pagsugpo sa anomalya sa ahensya.
Nilagdaan ni Pangulong Aquino ang appointment ni Nepomuceno at agad ipinadala kay Secretary Cesar Purisima ng Department of Finance, bilang patunay na siya ay pinagkakatiwalaan ng Palasyo.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni Nepomuceno si Pangulong Aquino maging si Comm. Biazon sa pagtitiwala sa kanya. Ipinangako ng bagong Dep. Comm. na gagawin niya ang lahat na maitutulong niya para sa bayan.
“The reforms our people are expecting are not only about change of people, but change in people. Not only about re-organization, but making BoC into a functional, client friendly and graft free government agency. Not only about policy change, but ensuring accountable and responsible operations at our respective duty stations,” pahayag ni Nepomuceno.
Ipinanukala ni Nepomuceno na ang BOC ay magiging certified International Standard Organization (ISO) para ipakita sa taong byayan maging sa buong mundo na seryoso ang ahensya sa reporma.
Bukod dito, tiniyak din ang kalidad na serbiyo ng bureau para sa programa ng Pangulo na “tuwid na daan.”
“Imagine our impact, if we perform our duties with the highest degree of accountability, integrity and transparency. We will contribute to increase the revenue of government, facilitate speedy flow of goods in and out of various parts of our country, and to and from various countries, stir business, create employment and in the end help reduce poverty,” dagdag ng opisyal kaugnay sa importansya ng BOC.
“Our image, as Customs people, is not quite encouraging at the moment but rather challenging,” pahayag ng opisyal kaya siya ay nananawagan sa mga kawani at opisyal ng ahensya na makiisa at suportahan ang kampanya ng gobyerno o ng Pangulo.
“Stand in unity to reform ourselves and our organization into an effective, efficient and graft and corrupt free bureaucracy,” pahayag ng dating DND executive director.
“I encourage everyone to support Commissioner Biazon in helping the victims of typhoon Yolanda by immediately donating all seized food and non-food items stored at BoC stations that can be used for relief and rehabilitation,” panawagan ng EC Deputy Comm.
HATAW News Team