AYAW nating tawaran ang KREDIBILIDAD ni Madam Mel Tiangco (pasintabi po) kung charity work ang pag-uusapan.
Ilang panahon din naman nating nakita kung paano niya ipinakita sa MADLA ang kanyang KAPUSO charities …
Nadesmaya lang tayo nang marinig natin sa kanya na itigil na raw ang pagpapadala ng mga damit at tubig para sa mga kababayan nating sinalanta ng super bagyong Yolanda sa Leyte, Samar, Iloilo at Capiz kasi masyado na raw marami.
Sapat na raw ‘yun.
Pero nagulat tayo nang isunod niya na open pa sila para sa mga CASH DONATIONS …
Ngek!!!
Ano ba ‘yun?!
‘Yun tubig at damit sapat na raw…pero ang CASH ay hindi pa pala sapat!?
E kung sobra-sobra na ipatigil na lahat pati CASH DONATIONS.
Hindi ‘yung parang namimili pa kayo kung anong donasyon lang ang tatanggapin niyo.
Ay sus naman!
Madam Mel, huwag po nating tawaran kung ano ang kayang itulong kahit ng pinakamaliit nating mga kababayan.
Baka nalilimutan po ninyo ang kwento ng BIYUDA at MAYAMANG NEGOSYANTE sa Biblia.
Higit na pinahalagahan ni Jesus ang sentimong ipinagkaloob ng Biyuda kaysa malaking halagang ibinigay ng negosyanteng mayaman.
Kahit na po isang boteng tubig lang ‘yan o isang kilong bigas na kailangang-kailangan ng isang tao pero taos-puso niyang ibinigay para makatulong sa mga nasalanta nating kababayan ‘e napakalaking bagay na n‘yan.
Uulitin ko lang po, Madam, huwag po ninyong tatawaran ang ano mang nakayanan ng mga nais makatulong.
Period.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com