SA feng shui, ang terminong annual star ay ginagamit para sa annual movement ng mga enerhiya alinsunod sa classical feng shui school na tinatawag na flying stars (Xuan Kong).
Ito ay paraan ng pagtunton sa good at bad feng shui energies (stars) kada bagong taon.
Mayroong 9 feng shui annual stars, five beneficial (1 Water, 4 Wood, 6 Metal, 8 Earth, 9 Fire) at 4 challenging (5 Yellow, 7 Metal, 2 Black, 3 Wood). Ang annual stars ay nagbabago ng lokasyon kada taon, kaya tinawag na annual flying stars.
Ang pagkilos ng annual stars ay base sa ancient wisdom ng Lo Shu Square, na tinatawag din bilang Magic Square, ayon sa pagdetermina ng feng shui masters libo-libong taon na ang nakalilipas.
Ang 9 numbers ng Lo Shu Square ay ang nine feng shui stars sa feng shui flying stars school.
Ang stars/numbers ay palaging kumikilos sa specific pattern kung saan ang annual (at monthly) calculations ng flying star school of feng shui ay nakabase.
Ang bawat feng shui annual star ay ini-express sa certain quality ng enerhiya (i.e. Star of Wealth, o Star of Romance).
Ang bawat annual star ay ini-express din sa specific feng shui element (i.e. Metal o Wood), gayundin bilang enerhiya ng specific number.
Halimbawa:
Ang star # 4 – o tinatawag na Star of Romance and Education – ay beneficial feng shui star ng Wood element. Kapag binisita ng star na ito ang ano mang Bagua area, kailangang itong suportahan sa pamamagitan ng paglalagay ng Water element cure dahil pinakakain ng Water ang Wood sa five feng shui elements productive cycle.
Lady Choi