Friday , November 15 2024

Wanted: Bagong department

TAON-TAON dinaranas ng mga Pilipino ang bagsik ng kalikasan at milyon-milyon ang humaharap sa hagupit ng mga kalamidad, natural man ito o gawa ng tao. Para bang hindi lilipas ang isang taon na hindi tayo sinasalanta ng lindol, bagyo, sunog at epidemyang sumisira sa buhay at ari arian.

Bagamat nakatutuwa na nagkakaisa ang gobyerno, ang mga Pilipino at ang iba pa mula sa iba’t ibang sulok ng mundo sa pagtulong sa mga sinalanta ng super bagyong ‘Yolanda’, marami ang nababahala sa para bang usad-pagong na pagkilos para masigurong sapat ang tulong sa mga biktima, at sa kakulangan ng koordinasyon at malinaw na estratehiya sa unang limang araw ng relief operations.

Handa nga ba ang gobyerno na tugunan ang mga kalamidad? Pagkatapos ng relief at debris-clearing operations at ang pagsasaayos sa mga napinsalang government assets gaya ng public health clinics, school buildings at classrooms, mga kalsada’t mga tulay, ano na ang kasunod? Tutulong  ba ang gobyerno sa pagpapatayo sa mga bahay ng mga nawalan ng tirahan? Paano naman ang mga batang naulila?

Para sa akin, hindi magawa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang magkaroon ng pangmatagalang action plan para sa rehabilitasyon ng survivors. Ang secretary-general ng National Economic and Development Authority ang vice chairperson ng Disaster Rehabilitation and Recovery ngunit wala siyang tao na kayang gawin ang aktuwal na trabaho. Ang nagagawa lang nito ngayon ay ang pangunahan ang recovery at reconstruction plan. ‘Yun lang, magplano lang.

Totoo na pinagtibay ng Republic Act No. 10121 (Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010) ang disaster risk reduction management ng bansa sa pagkakaroon ng national framework, sa pagbuo ng isang pambansang plano na pinopondohan ng gobyerno, pero hindi naman ito nagbibigay ng kongkretong action plan.

Ang NDRRMC ay gaya ng isang adhoc agency na binubuo ng mga lider ng mga ahensiya ng gobyerno na may kani-kanyang trabaho. Nasa ilalim din ito ng Department of National Defense (DND), na nakatuon naman sa seguridad ng bansa laban sa atake ng ibang bansa at local insurgency. Ang Department of Interior and Local Government (isa pang council member), sa pamamagitan ng Philippine National Police, ang nagsusulong ng peace and order sa bansa, sinisiguro ang kaligtasan ng publiko at inaalalayan ang mga pamahalaang lokal. Pagtulong naman sa mahihirap ang tinututukan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay sa mga kalsada at tulay.

Sa kabi-kabilang batikos sa relief efforts sa Yolanda, malinaw na hindi epektibo ang council-led multi-agency action sa mga kalamidad.

Hindi maitatanggi na kailangan nang magkaroon ng isang executive department na tututok sa pagtugon sa mga kalamidad.

***

Ang bagong kagawaran ay bubuuin sa pagsasama o reorganization ng ilang ahensiya ng gobyerno na mahalaga sa disaster preparedness at relief operations.

Anuman ang itawag dito, ang bagong department, na dapat na may national operational at logistical capability, ang dapat na unang tumugon sa kalamidad upang makapagligtas ng buhay at maprotektahan ang mga ari-arian.

Sa panahon ng kalamidad, tututukan nito ang routine: pagpaplano, pag-oorganisa, pagsasagawa ng training exercise, pagsusuri sa response actions, at pagsigurong magtatagumpay ang bawat misyon.

Isa sa pinakamahalagang katangian ng opisinang ito ay ang kakayahang magpatupad ng recovery plan para sa mga biktima sa pamamagitan ng tulong pinansiyal, kasama na ang pabahay, counseling, at pagbibigay ng trabaho. Puwede rin itong tumulong sa mga local government unit (LGU) sa paglilinis ng debris at muling pagtatayo ng mga impraestruktura.

Dapat din na nasa department ang pinakamahuhusay na construction engineers, architects, environmentalists, communications experts at technicians at environmental specialists, bukod pa sa risk-reduction and response supervisors na makikipagtulungan sa provincial at municipal levels. Puwede rin namang augmentation force sa iba pang bahagi ng disaster relief effort ang iba pang executive departments.

Bilang multiplier force, maaaring isailalim ng bagong department sa emergency at rescue courses ang mga barangay tanod, bombero, pulis at coast guards. Puwede rin nitong tanggapin bilang volunteers ang mga non-profit organization at religious groups na sesertipikahan nito pagkatapos ng training.

Sa pamamagitan ng department na ito na may world-class, risk-based, comprehensive emergency management system, siguradong mababawasan ang pagkawala ng buhay at mga ari-arian at mas may kakayahan na ang mga lungsod at munisipalidad sa bansa na protektahan ang kanilang sarili laban sa mga kalamidad.

Panahon na sigurong tanggapin natin na nagbabago na ang ating klima. Mas madalas na tayong sinasalanta ng bagyo at mas malulupit na ang pananalasa nito sa nakalipas na mga taon.

Ito na ang realidad, at sabi nga ni Yeb Sano, Climate Commissioner for the Philippines, “new realities require new politics.”

Dapat magkaroon ang gobyerno ng mas epektibong sistema upang mas matutukan ang panganib ng mga kalamidad. Ang pagbuo ng bagong department para rito ay napapanahon at pinakamahalaga sa ngayon.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *