Friday , November 15 2024

Show yata ni Secretary Purisima

NGAYON at umupo na ang may 40 top officials ng customs upang patakbuhin ang ahensya na marami ay isinusuka ng mga importer/consignee nang mahabang panahon dahil sa pakikipagkontsabahan ng mga tauhan nito sa mga smuggler at talamak na corruption, ito na kaya ang hudyat ng pagtahak sa Daang Matuwid ng Pnoy government.

Isang malaking kapuna-puna rito ay pagiging lutang ng pangalan ni Secretary Purisima, isang ranking cabinet member, at pagkawala yata ni Commissioner Biazon sa eksena.

Ngayon lang sa totoo, nangyari ang ganitong uri ng pagsibak sa Customs at ang kahanga-hanga lahat halos ng mga matataas na mga opisyal, liban kay Commissioner Biazon ang nahataw. Tuloy marami sa mga sinibak sa puwesto ang naghain ng kani-kanilang resignation letter.

‘Ika nga, there is life in the other office. Ang ating tinutukoy ang bagong tatag na opisina sa Finance Department, ang Customs Policy Research Office (CPRO) na kung pinagsama-sama ang may 40 top officials, sila ay mistulang mga pensionado, receiving pay for doing nothing na hindi naman nila kasalanan. Well, ganyan daw ang buhay sa pamahalaan.

Sa totoo lang, ngayon lang nangyari ito at si Secretary Purisima ang nag-lead dito sa coup d’etat na ni isa sa mga sinibak hindi nakabalik. Kung hanggang kailan sila ilalagay sa freezer (CPRO), hindi natin alam. Pagkatapos kaya ng termino ni Pinoy?

Itong mga ipinagpapalit na pawang fresh blood ay nag-training daw sa DoF nang may ilang linggo o buwan para sa haharapin nilang mabigat na trabaho. Sa aminin nila at sa hindi, kahit pa graduate sila sa Wharton o Harvard ng kanilang masters, mahihirapan sila. Technical ang Assessment lalo na iyong steels or chemicals na kailangan ay mismong may expertise na taga-Bureau. Mayroon mga chemists o may technical expert para suriin ang uri ng bakal, pero dahil wala silang sponsor iyong mga incompetent ang nailalagay.

Pero ang malaking katanungan. Ano ang nangyari kay Commissioner Biazon? Totoo bang hindi siya pinapapel sa paglalagay ng fresh blood? Ito ay isa yatang patunay na talagang malalim ang controversy na bumabalot kina Purisima at Biazon. Ito ay nagsimula nang si Biazon ay ma-appoint na hepe ng Bureau. Ni hindi daw idinaan kay Purisima ang kanyang appointment at idiniretso kay P-noy. Hindi man sabihin, masama ang loob ni Purisima, na marahil hindi nila magiging teamplayer sa customs.

Mismong si Biazon, nasabi niya sa mga interview na hindi raw niya kilala ang mga dinala ni Purisima. Ibig bang sabihin puede ikatwiran ni Biazon na hindi siya masisi sa anong kapalpakan na posibleng magawa ng sino mang mga Purisima men?

Abangan …

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *