Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Relief ops mabagal — Gazmin

INAMIN ni Department of National Defense (DND) Secretary Voltaire Gazmin ang kanilang pagkukulang sa relief efforts at iba pang operasyon para sa pagtulong sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.

Naganap ito sa budget hearing ng Senado nang igisa ni Senador Juan Ponce Enrile ang DND at AFP bunsod ng kakulangan ng kanilang komunikasyon noong kasagsagan ng hagupit ng bagyong si Yolanda sa ilang bahagi ng Visayas partikular sa Leyte na matinding hinagupit ng naturang bagyo.

Inamin din ni Gazmin na may kakulangan sila sa satellite phone at maging ang National Disaster Risk Reduction aand Management Council (NDRRMC) ay walang ginagamit na satellite phone.

Nangako ang kalihim na ang kasalukuyang budget na inaprobahan ng Senado para sa taon 2014 ay kanilang gagamitn upang mapunan ang kanilang pagkukulang sa panahon ng kalamidad.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …