Friday , November 22 2024

PHILRACOM humingi ng suporta sa kanilang blood letting

Matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda sa Region 8, at bilang panahon ng pagdadamayan,  isang napapanahong panawagan ng Philippine Racing Commision (Philracom) para sa kanilang programang  “Dugtong-Buhay” (blood letting program) na gaganapin sa darating na Biyernes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona,Cavite.

Naniniwala si Racing Director Commissioner Jesus B. Cantos na higit na kailangan ng mga nabiktima ng bagyong Yolanda ang tulong lalo na sa panahon ng pagbibigay ng dugo upang madugtungan ng buhay ng mga nangangailangan.

Matapos ang pananalasa ng bagyo, nababahala si Philracom Chairman Angel Castaño Jr. na manalasa ang sakit na Dengue.

Dito’y marami ang mangangailangan ng dugo kaya ang kanilang programa sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross ay nananawagan sa mga nais maghandog ng dugo.

Isasagawa ang blood letting program dakong ala-1:00 ng hapon sa SLLP.

Pangungunahan din ng mga kawani ng Philracom ang pamamahagi ng dugo.

Inaasahan na kabilang sa mga magbibigay ng dugo ang ilang hinete na walang sakay, sota, helper at trainer upang suportahan ang naturang programa.

Una nang inilunsad ng komisyon ang pagbibigay ng relief operation sa mga biktima ng bagyong Yolanda na ipinadala sa PRC.

Nagpasalamat naman si dating Senator Dick Gordon sa Philracom sa suportang ibinigay nito sa Red Cross.

Kabilang sa programa ng komisyon ang tatlong araw na pakarerang inihandog para sa mga bikltima ni Yolanda na magsisinula sa Nobyembre 23.

oOo

Ilulunsad ng Philracom ang tatlong araw na pakarera para sa mga biktima ni Yolanda na magsisimula sa Nobyembre 23 hanggang Disyembre 1 araw ng Linggo.

Dalawang division ang  maglalaban-laban sa naturang pakarera na may nakalaang papremyong P300,000 bawat karera.

Ang kikitain ng naturang pakarera ay ibibigay sa PRC na siyang mamumudmod sa mga biktima sa Leyte ng bagyong Yolanda.

Bago ko tapusin ang pitak na ito ay  nais kong pasalamatan si Horse Owner Hernie Esguerra sa kanyang taos pusong pagtulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Leyte at Samar matapos niyang iambag ang premyo ng kanyang masuhay na imported horse na si Juggling Act na nagkampeon sa katatapos na Ambassador ERduardo M. Cojuangco Jr. Cup na ginanap sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas. Uli ang aking pasasalamat sa ibinigay mong tulong sa mga aking mga kababayan.

Ni andy yabot

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *