Friday , November 15 2024

P5.7-M kuwarta ng liga, nawawala?

When anxiety was great within me, your consolation brought joy to my soul. —Psalm 94: 19

ITO ang halagang hinahanap sa liderato ng Liga ng mga Barangay sa Maynila sa ilalim ng pamumuno ni Philip Lacuna, anak ni dating Manila Vice Mayor Danilo Lacuna. (Ito ay pagtutuwid sa nailathala natin sa nakaraang kolum na P570,000 lamang ang nawawalang pera sa liga).

Saan daw ba napunta ang nasabing halaga kung pag-uusapan ang hindi pagkakaalis ng 100 barangay officials, (teka, 100 lng ba Brgy Chairmen at Kagawad) sa Malaysian tout ngayon taon.

***

NALAMAN kasi natin na ikinatwiran daw ng pamunuan ng Liga na sa susunod na taon (2014) na lamang daw itutuloy ang nasabing Malaysian tour.

Ibig sabihin panibagong P57,000 na naman ang ilalaan ng bawa’t barangay sa Liga? E saan napunta ang natirang kuwarta ng Liga kung hindi naman lahat ng barangay officials ang nakapag-avail ng Malaysian tour ngayong taon?

Kay ‘Eddie’ ba?!

***

MULA nang magkaroon ng barangay election nitong Oktubre ay wala nang plano ang Liga na ituloy pa ang “lakbay-aral” seminar kuno sa mga barangay chairmen.

May 897 barangay chairmen sa Maynila, ang bawa’t isa ay inoobligang maghatag ng P57,000 sa liderato ng Liga ng mga Barangay. Kaya kung i-times natin mahigit P51-M ang kabuuang halagang nakokolekta ng Liga, taon-taon.

***

NGAYONG 2013, mahigit kalahati lamang umano ang nakapag-avail ng “lakbay-aral” kuno ng Liga na ginawa sa Malaysia.

Sabihin na nga natin na 100 ang hindi nakapunta, may P5.7-M pa rin ang naisubi, naibulsa o naipon na kuwarta ng Liga.

Kanino napunta ang kuwarta?

***

KAYA naman natin nasasabi ito ay dahil marami ang nagtatanong sa inyong abang lingkod anila, matutuloy pa ba ang lakbay-aral ng mga barangay chairmen at kagawad sa Malaysia o hindi na?

Ano ba talaga ang tunay na financial record ng Liga? Saan-saan ba talaga napupunta ang pondo ng Liga?

Sa mga condo unit ba ni Philip? Aba ewan ko!

***

NANGHIHINAYANG tuloy si Mayor Alfredo Lim sa pag-eendoso sa kanya bilang pambato sa Liga presidency laban kay Ali Atienzanoong 2010 Liga election.

Hindi tunay na naprotektahan ni Philip ang barangayan. Walang puso sa mga barangay officials. Naturingan kinatawan ng Barangay sa City Council, pero naging ‘kaaway’ pa ng barangay.

Tama lang, baguhin na natin ang liderato ng Liga!

***

PAHABOL lang, sa mga nanakot at nagbabanta, puwede ba huwag n’yo na akong daanin sa mga ganyan, hindi naman ako natatakot sa inyo mga hinayupak kayo.

Ang lahat ng ating isinusulat ay totoo at may basehan. Mga sumbong at reklamo na ipinararating sa atin by email or text messages.

Sa totoo lang tayo!

BABANGON TAYO!

IBA’T IBANG uri ng pagtulong ang ginagawa ng marami natin kababayan upang matulungan ang mga sinalanta ng super bagyongYolanda o Haiyan sa international code name.

Nariyan pati mahihirap na taga-Tondo ay nagpaabot ng tulong sa mga residente ng Tacloban City na matinding pininsala ng bagyo. Mga pinaglumaan nilang damit at gamit ang kanilang pinadala.

***

ANG inmates naman sa Women’s Correctional ang nagsakripisyo, hindi kumain ng isang araw upang maipadala ang nakalaan nilang pagkain sa mga naapektohan ng bagyo sa Visayas area.

Mayroon naman mga batang pulubi sa Cebu na ibinigay ang nalimos nilang barya bilang ambag nila sa mga biktima. Hindi rin naman nagpahuli ang grupong Alab ng Mamamahayag (ALAM) ni katotong bossing Jerry Yap na nagpadala ng mga relief goods kamakailan.

Likas talaga matulungin ang mga Pilipino!

***

SA kabila ng nasabing trahedya, makaaahon pa rin naman ang mga kababayan natin sa Visayas area.

Sa pagtutulungan at pagkakaisa, hindi malayo maisalba muli natin ang mga lugar na matinding naapektohan ng delubyo, gaya ng Tacloban City na halos maging isang ghost town.

Naniniwala ako, babangon tayo!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 0932-3214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *