Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng shui makatutulong ba sa pagbabawas ng timbang?

ANG unang dapat pagtuunan ng pansin sa feng shui efforts kung nagsusumikap na magbawas ng timbang, ay ang kusina. Kung nais n’yo ng kusina na clutter free para sa feng shui sense ng freshness and lightness, gawin ang masusing paglilinis sa kusina at idispatsa ang mga pagkain batid n’yong kailangang iwasan upang mabawasan ang inyong timbang.

Sa punto ng feng shui color, maipapayo ang pagpili ng calm color na magpapahupa sa gana sa pagkain, katulad ng blue, o green, ang very healing feng shui colors. Ang fire feng shui element colors (red, orange, purple, bright yellow at magenta pink) ay nararapat na iwasan.

Mag-display ng de boteng tubig, gayundin ng fresh herbs and greenery. Panatilihing maha-ngin ang lugar. Ang lightness at freshness ang keywords para sa feng shui kitchen na maka-tutulong sa pagbabawas ng timbang.

Ang susunod na dapat masusing suriin ng inyong feng shui eyes ay ang inyong bedroom – hindi mainam ang closets na punong-puno, o busy storage sa ilalim ng kama. Linisin ito at ang buong bahay para maisulong ang maayos na daloy ng Chi, o feng shui energy. Ang good circulation ng feng shui energy sa paligid ay direktang may kaugnayan sa good energy circulation sa inyong katawan at sa pag-aalis sa energy blocka-ges.

Sa buong bahay, lalo na sa feng shui east area, mag-display ng mga imahe ng masiglang kalusugan at saya. Maaari ring maglagay ng feng shui crystals, halimbawa ay clear green peridot o rose quartz.

Kapag ganap na kayong naka-focus sa inyong magandang kalusugan, kaysa pagsusu-mikap na makapagbawas ng timbang, ang feng shui for body cleansing guidelines ay madali nang masusunod at mamamantine.

Ang inyong katawan ay may sariling pang-unawa at batid kung ano ang kanyang kaila-ngan. Ang kailangan na lamang gawin ay magbuo ng best feng shui condition na makatutulong sa inyong katawan na ipatupad ang kanyang sariling gawain.

Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …