MAAARI nang isagawa ng Ombudsman ang preliminary investigation sa kasong plunder at graft laban sa ilang mga senador at mga indibidwal, ang pangalawang hakbang para sa resolusyon sa pork barrel scam.
Inihain na ng field investigators ng Office of the Ombudsman ang tatlong magkakahiwalay na kasong plunder at graft laban kina Senators Juan Ponce Enrile, Jose “Jinggoy” Estrada, Ramon “Bong” Revilla, Jr., at iba pang mga indibidwal na sinasabing sangkot sa pagwaldas sa Priority Development Assistance Funds (PDAF).
Ang kaso ay itatalaga sa special panel of investigators sa ilalim din ng Ombudsman para sa preliminary investigation.
Ang mga reklamo ng Ombudsman’s Field Investigation Office (FIO) ay iko-consolidate sa mga kasong inihain ng National Bureau of Investigation laban sa nasabing mga akusado nitong Setyembre. (HNT)